Battle # 17

17K 623 51
                                    

POV Samantha

“TULONG!! TULONG!!” Umiiyak na sigaw ni Frelle habang patuloy sa pagkaway sa eroplanong dumadaan

lahat kami ay gumagawa na ng paraan para makaalis na sa demonyong lugar na ito... naging isang leksyon na samin ang nangyari kay Ayano

kung hindi kami kikilos, mamamatay talaga kaming pito dito... nasa samin kung papaano kami makakaalis dito. Kung aasa lang kami na umabot kami ng isang linggo dito, Baka ni isa samin ay hindi iyon magawa.... pang 4 na araw pa lamang pero namatay na ang labing isang tao naming kasamahan

“Gaga! Asa ka namang mapansin nyan nerdy!, Sigaw pa more Nerdy.. kulob ang eroplano at ang taas taas pa! feeling mo maririnig ka nila eh napakahina ng sigaw mo… Use your brain not your mouth” maarteng sabi ni April sa kanya, Hindi ko talaga malaman kung bakit ang init ng ulo lagi ni April kay Frelle, eh ang bait bait naman ni Frelle

Napalingon naman ako sa banda nila Anne at Ella… Nagsusulat sila ng isang napakalaking “SOS”

Si Angel at Jane naman ay hawak ang kanilang mga Cellphone at sinusubukang maghanap ng signal

sinigurado namin na nakikita pa rin namin ang bawat isa para masigurado ang kaligtasan ng bawat isa

nakita kong nanunuod lang si Daryll samin.... nilapitan ko sya at hihingin ko ang tulong nya.. syempre kailangan nyang makipag participate kung gusto nyang makaalis sa lugar na to

“Daryl pwede ba------ Teka Daryl, umiiyak ka ba?”

“ha? Hindi ah, namimiss ko lang kasi ang pamilya ko” sabi nya at pinahid nya ang kanyang mga luha

“Kahit saglit pa lang tayo nagkakasama Daryl at nakilala na kita, alam kong may problema ka ngayon. Hindi naman kita pinipilit na pagkatiwalaan ako eh. Ang gusto ko lang maging open ka sakin kasi magkaibigan tayo”

“Bakit? Sigurado ka bang handa kang makilala ang totoong ako? Handa ka bang malaman ang tinatagong baho ko? Tatanggapin mo ba ko kapag nalaman mo ang mga katotohanan?” Sabi sakin ni Daryl… Naguguluhan ako sa kanyang mga sinasabi pero sa kabila nun ay pinipilit ko pa rin syang unawain

“Oo----“

“Hoy Kayong dalawa!! Pasarap lang ang Peg nyo samantalang kami nagpapakapagod dito… ano asan ang hustisya?” Sigaw samin ni April Na nakuwa naman ang atensyon naming dalawa

binigyan lang ako ng ngiti ni Daryll bago sya tuluyang umalis, hindi ko alam ang mga sinabi nya. Imbis na may masagot na tanong sa aking isipan, mas dumami lang ang tanong na aking dapat problemahin

“Paano ba tayo makakaalis sa demonyong lugar na ito?” Sigaw ni Jane habang nakahawak sa kanyang ulo

alam ko namang hindi maiiwasan na magpanic eh. Pero sana naman huwag syang magpakita na natatakot at nahihinaan na sya ng loob,dahil kapag natakot ang isa damay damay na at mararamdaman din yun ng lahat

habang nasa isla ka na to, you'll need to stand stronger than you do....kulang ang lakas ng loob... kailangan mo din ng tibay ng sikmura, being aware sa mga nangyayari, at TIWALA sa isa't isa mahirap man gawin pero ito ang pinaka importante

“Sa tingin nyo? Makakaalis pa kaya tayo dito?” tanong naman ni Frelle

“Sa tingin mo? Sa kawalan mo ng common sense maiaalis ba tayo nyan dito sa islang to?” mataray naman na sabi ni April

Nakapansin kami ng helicopter na dumadaan at kagaya ng una, Kumaway kaway kami at sumigaw sigaw. Pero kagaya rin ng una, dinedma lang kami

Isang malakas pero maingay ang narinig namin… napakasakit sa tenga pakinggan

“Gusto nyo bang makaalis ng buhay sa lugar na ito?” narinig namin sa isa sa mga speaker

Natahimik naman kaming lahat na para bang naghihintay sa susunod nyang sasabihin

“Then play my offer game. Ang taong makakapatay ng kapwa nya players ay makakaalis sa lugar na to ng ligtas. Pito na lang kayo, Kung papatay ang tatlo sa inyo then tatlo din ang makakalabas dito ng buhay… it’s your choice naman kung papatay kayo? O mananatili sa sumpang lugar na ito? Bakit nyo pa hihintayin ang turn nyo kung pwede naman kumilos na kayo para mabuhay?”

naririnig lang namin pero na iimagine ko na nakangiting demonyo na naman si Rena at pinapanuod nya kung paano matakot ang bawat isa samin

nagulat na lang ako ng may biglang dumampi na tubig sa balat ko,  doon ko napansin na umaambon pala

Pero parang lahat kami ay nabato sa aming kinatatayuan namin at dinadama ang bawat ulang na tumatama sa aming balat

“Anong gagawin ko?” Narinig kong bigkas ni Angel

“Huwag na lang natin pansinin ang sinabi nya, Tara na sumilong na tayo at baka magkasakit pa tayo” sabi ni Anne na nakapagpabalik sa ulirat namin

Tahimik lang kaming naglalakad pabalik sa hotel

“AHHH!! STOP IT BITCH!!” Nagulat na lang kami ng may narinig kaming malakas na sigaw na nanggagaling sa likod

Nakita namin si Angel, Sinasabunutan si April. Hindi ko alam na seseryosohin ni Angel ang mga sinabi ni Rena

“Tumigil ka na Angel” Sigaw ni Jane pero hindi sya nito pinansin

“MAMATAY KA NA!! GUSTO KO NG MAKAALIS SA DEMONYONG LUGAR NA ITO!!!” Malakas na sigaw ni Angel, Tumakbo si Ella papunta kay Angel para pigilan ito

“T*ng ina! Kapag ako nakawala sa pagkakasabunot mo, tignan natin kung sino sating dalawa ang mamamatay bitch!” sigaw ni April habang pilit na nanlalaban kay Angel

“T*ng na! Hindi ba kayo titigil?!?” Sigaw ni Anne, nagulat na lang kami ng may bigla na itong hawak na kutsilyo… pero alam ko naman na gagamitin nya lamang ito bilang panakot kanila April at Angel

Tumigil naman si Angel pero umambang susugod sa kanya si April pero napigilan sya ni Frelle at Ella

“Hindi ko na kayo kilala!! Hindi ganyan ang mga kaklase kong nakilala!” Sigaw ni Anne samin

Nabalot naman kami ng katahimikan at dinadama na lang ang mga patak ng ulan na dumadampi sa aming mga balat

Marami na ngang nangyari samin, marami na samin ang namatay… kaming pito na lamang ang natitira saming magkakaklase

“Naniniwala kayo sa baliw na Renang iyon na papaalisin nya kayo dito kapag pumatay kayo? Hahahaha! Mga BOBO! Papatayin nya lang din kayo” Sigaw ni Anne, mukhang natauhan naman si Angel sa mga sinabi ni Anne

“Sorry” Bigkas nito

“Nagsorry ka pa!?! Psh. Bitch… Aanhin ko ang sorry mo kung nasira mo na tiwala ko sayo?” bigkas ni April at inayos pa ang buhok nitong sinabunutan ni Angel

Anong nangyayari? Makakaalis pa ba kami sa lugar na ito ng buhay? KELAN? KAILAN matatapos ang sumpang to?!?

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon