Battle # 25

17.5K 620 91
                                    

Third Person’s POV

Nagtatago si Sam at April sa loob ng isang cabinet sa room na iyon, nagtitiis sila na maamoy ang mabahong amoy na na nanggagaling sa bangkay ng kanilang principal

“Shhh! Wag kang maingay” Pabulong na sabi ni April sa kanya. Tinakpan naman ni Sam ang kayang bibig para masigurado na hindi sya makakagawa ng kahit anong ingay

Pinapakiramdaman nila ang ingay na kanilang naririnig… Base sa pagkakarinig nila, hindi isang tao lang ang nanduon, may kasama ito

“Hija, pasensya ka na at natrap tayong dalawa sa isla na to ah… Masyadong malakas kasi ang Hangin at malakas ang alon, mahirap ng maglayag muli” Narinig nila, boses ito ng lalaki… Ibig sabihin lang nun ay hindi si Rena ang nandun sa Bahay na yun, Nagkatinginan muna silang dalawa bago tuluyang lumabas ng cabinet

“TULONG!! TULUNGAN NYO PO KAMI!! TULONG!!” Sabay nilang sigaw at tumatakbo papunta sa kung san nanggaling ang boses na kanilang narinig. Tama nga ang kanilang hinala, isa itong lalaki, medyo may katandaan na rin iton at base sa kanyang mga damit… isa itong mangingisda

“Sino kayo?!?” Natatakot na sabi ng mangingisda

“SAM?!? IKAW BA YAN!?! GOSH! IM GLAD YOUR ALIVE! KUNG SAN SAN KO KAYO HINAHANAP KASI SOBRANG KINAKABAHAN AKO PARA SA INYO!” Narinig nilang boses… This time, nanggagaling naman ito sa isang babae. Nagulat si Sam ng makilala ang babaeng iyon

“Ikaw!?!” gulat na tanong ni Sam, dahil hindi sya makapaniwala na magkikita muli sila

***

Sinusubukan ni Frelle na gumapang palayo sa taong kaharap nya, Pero hindi nya ito magawa dahil isang demonyo ang kaharap nya ngayon

“Maawa ka sakin wag!!” Malakas nyang sigaw, parang wala naming narinig si Rena dahil binigyang lang sya nito ng isang demonyong ngiti at unti unti itong naglakad papalapit sa kanya

“WAG KANG LALAPIT!” malakas na sigaw ni Frelle, sobrang natatakot sya dahil isang nakakatakot at walang awa na babae ang kaharap nya ngayon… Anytime lang kayang kaya nitong kitilin ang kanyang buhay at lagutan sya ng hininga

Nabigla sya sa sunod na ginawa ni Rena at napahawak na lamang sya sa kanyang mukha

Bigla kasing inapakan ni Rena ang kanyang mukha dahilan para mas lalong bumaon ang mga bubog na nakatusok dito”

“Ahhh! Ang sakit!! Ang sakit!!” malakas nyang sigaw at gumugulong ito sa sakit. Muli na naming umagos ang napakaraming malalapot na dugo sa mukha nya

“A game over for your nerdy” Sabi ni Rena at naglabas ito ng gunting. Unti unting ginupit ni Rena ang buhok ni Frelle, nanginginig naman sa takot si Frelle dahil alam nya  this time mamamatay na sya.

Pagkatapos gupitin ni Rena ang kanyang buhok tumaas ang balahibo ni Frelle dahil hinawakan ni Rena ang kanyang tenga.... umuulan nga pero kitang kita nya ang ginagawang ka demonyohan ni Rena

“No!! P-please don’t---- AHHHH!” malakas na sigaw ni Frelle ng maramdaman nya na ginugupit na ni Rena ang kanyang tenga

Slowmotion na ginugupit ni Rena ang kanyang tenga, Pinaparamdam talaga ni Rena kay Frelle ang sakit. Kapag nahihirapan syang gupitin ay mas lalo nya pang dinidiinan at pinipiga ito kaya naman muling umagos ang napakaraming dugo.

“My EARS!! Just f*cking kill me!! End my life here!” sigaw ni Frelle. Maraming dugo ang umaagos  sa kanyang ulo at mukha  dahil sa pagkaputol ng kanyang tenga pero hindi ito napapansin dahil nababasa ito ng ulan kaya natatangay na lang ng ulan ang dugong tumutulo sa kanya

“Your wish is my command” Sabi ni Rena sabay tusok ng gunting sa mata ni Frelle

“Ahhh!” Walang ibang magawa si Frelle kundi ang umiyak at malakas na sumigaw dahil sa sakit nyang nararamdaman

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon