Battle # 11

19.6K 710 111
                                    

POV Samantha

Tahimik lang kaming kumakain ngayon, isa pa ring malaking question mark ang pagkamatay ni Elsa at Keana

Ayoko man sisihin si Anne sa nangyari sa dalawa pero sya ang tinuturo ng nag iisang ebidensya. Hindi ito basta bastang ebidensya dahil ayun ang ginamit para kitilin ang buhay ni Keana at Elsa

“Naikalma mo na ba ang sarili mo Sam?” Tanong ni Frelle habang hinihimas ang aking likuran

“Ahh—ehh! Oo ayos na ko! Pasensya na guys ah? Hindi lang talaga ako mapakali hangga’t hindi ko nalalaman  kung sino ang may gawa ng pagpatay na yun” sabi ko sa kanila at binigyan sila ng matamlay na ngiti

“Kung si Anne talaga ang may gawa nun, baka kalimutan ko na ang pagkakaibigan naming dalawa” sabi ni Ella habang kitang kita sa mukha nya ang galit at inis

“Ano ba kayo guys! Kilala ko si Anne hindi nya magagawa ang bagay na yun. Kung si April, Oo! Magagawa talaga ng bruhilda na yun” Mahinahonh sabi ni Frelle pero malaki pa rin talaga ang galit nito kay April

“Sana lang talaga ay hindi sya yun, Dahil kung sya nga… Ako mismo ang papatay sa kanya” seryosong sabi ni Jane

Medyo kinabahan ako ng biglang tumabi sakin si Daryl

“One of us. Isa satin sa mga natitirang buhay  ang may gawa nun” mahinang sabi ni Daryl pero sapat na iyon para marinig ko ang kanyang sinabi

Isa saming natitirang buhay ang may gawa nun!?! Pero sino? Anong intensyon nya?

Pwedeng si Ella, Frelle, Daryl, Myra, Angel, Anne, Lucy at si April… isa sa mga kasamahan ko ang may suot na maskara at patuloy na nagpapanggap

“Hey April can you make abot the pandesal? It’s there oh at your tapat” naputol ang malalim na pag-iisip ko ng marinig ko ang conyong boses ni Angel

“Hello Angel! Ayan lang kaya sa tapat mo yung pandesal” sabi ni April sabay subo sa pandesal na hawak nya

Hope na malaman ko ang totoo

***

[[[ POV Anne ]]]

“Oy Anne Tumahan ka na oh, Hindi ka pa kumakain ng agahan mo” sabi sakin ni Myra habang hinihimas ang aking likuran. Kanina pa kasi ako umiiyak dahil nga halos lahat sila ay ako ang sinisisi, lahat sila ay galit sakin

“Lahat sila ay ako ang sinisisi, ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanila” sabi ko habang patuloy parin sa paghagulgol ng pag iyak

“Ano ka ba Anne? Sa ginagawa mong pagkukulong dito sa kwarto mo eh parang inamin mo na rin na ikaw ang may kasalanan… Anne Fight lang! Andito namana ko, Hindi kita sinisisi” Sabi sakin ni  Myra

medyo nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Myra, buti pa sya hindi nya ko sinisisi. Bali baliktarin mo man ang mundo, babae pa rin ako, kahit na umaarte akong cool... sensitive pa rin ako. Sanay din ako ng tinitingala ng lahat at hindi kinamumuhian, sanay akong nagiging tagapagtanggol ng iba hindi tulad ngayon na kailangan ko ng tagapagtanggol

“Just act normal sa harap nila, Ipakita mo sa kanila na inosente ka sa mga nangyayari” Sabi ni Myra at binigyan ako ng matamis na ngiti

Kailangan ko lang naman talaga na patunayan na inosente ako sa mga nangyayari eh, na hindi ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni Elsa at Keana

“Tara na?” nakangiting sabi sakin ni Myra habang inaabot nya sakin ang kanyang palad upang makatayo ako

Pinahid ko ang aking mga luha at kinuwa ang kamay ni Myra

“Salamat ah” sabi ko sa kanya at binigyan ko sya ng isang ngiti

siguro kung wala ngayon si Myra baka nainom ko lang yung bote ng lason na yun…lumabas kami ng room ko, kita ko rin sa mukha ni Myra na nag aalala rin sya sakin.

 habang naglalakad naman kami ay nakasalubong namin si Ayano

“Oh buti naman lumabas ka na” nakangiting sabi ni Ayano, Saming lahat si Ayano ang pinaka palabiro

Binigyan ko naman sya ng matamis na ngiti, pero nagulat ako ng bigla nyang kapkapan ang buo kong katawan

“A-ayano! Ano ba yang ginagawa mo?” medyo natatakot kong tanong sa kanya

“Akala ko magdadala ka na naman ng lason eh haha. Thanks naman at hindi mo pa balak na isunod ako sa kanila hahaha Joke lang Anne, Don’t take it seriously, geh una na ko” sabi ni Ayano at naglakad na palayo

Alam kong para kay Ayano ay biro lang lahat ng sinabi nya… Pero para sakin, She mean it. Sinabi nya talaga yun para saktan ang damdamin ko

“Gago talaga si Ayano oo! Anne oh ba’t naluluha ka na naman? Nagbibiro lang si Ayano parang hindi ka na nasanay” sabi ni Myra at hinimas muli ang aking likod

Bakit ganun? Kapag may nagkocomfort sakin mas lalo akong naiiyak?

bakit ako lang ang sinsisi sa mga nangyari? In just fucking poison ako na ang may kasalanan, alam kong merong isang tao dito na nag frame up sakin..... at aalamin ko kung sino sya, tatanggalin ko ang maskara na nakalagay sa katauhan nya

“Players please gather at the lobby… once again, please gather at the lobby”

Yan ang narinig naming announcement

“Bakit? Anong meron?” parang batang tanong ni Myra

Pero imbis na sagutin ko sya ay naglakad na ko papuntang lobby

nakita namin na nandun na lahat sa lobby, nakita ko rin ang mga matang masamang nakatitig sakin. Parang may kumirot sakin nun, yung mga taong nakaasa sayo nitong mga nakaraang araw ngayon ay kinamumuhian ka na

biglang nabuhay yung screen nung tv then nakita namin si Rena

" alam nyo naman ang nangyari sa dalawa nyong kasamahan right.... and im happy na sabihinsa inyo na hindi ako ang may gawa nun.... at isa sa inyo ang gumawa nun "

pagkasabi ni Rena nyan ay tumingin ng masma ang mga kasamahan ko sakin

okay here we go again, pagnarinig nila ang pagkamatay ako na agad?

“Simple lang ang laro natin ngayong araw, hanapin nyo lang kung sino ang pumatay” sabi ni Rena

“hahanapin pa eh alam naman nating lahat na si Anne ang may gawa nun” nakangiting sabi ni April, Pero nung tumingin sya sakin ay inirapan nya lang ako

" guest who's the killer, kapag mali ang hula nyo..... mamatay ang dalawa sa mga kasamahan nyo. Good luck sana malaman nyo ang totoo " sabi ni Rena then namatay na ang screen

eto na yun, malilinis ko na ang pangalan ko.... papatunayan ko sa kabila na wala akong kasalanan

na ngayon galit kayo sakin, pero pagkatapos ng imbistigasyon na to, kakainin nyo lahat nung pambibintang nyo sakin.......... lilinisin ko ang pangalan ko at ilalabas kung sino talaga ang taong gumagawa nito

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon