Battle # 20

16.5K 627 53
                                    

POV Daryl

"Sam kanina ka pa natatahimik dyan ah... ang lalim ng iniisip mo" narinig kong sabi ni Anne kay Sam... napansin ko rin na pagkatapos nyang lumabas ng kitchen ay parang nawala sa sarili si Sam.... parang lagi syang tensyonado sa mga nangyayari

“A-ayos lang ako! Medyo masakit nga lang yung ulo ko, dahil siguro nagpaulan tayo” sabi ni Sam at binigyan nya lamang ng pekeng ngiti si Anne

“You’re not okay Sam. When you are in kitchen kaya  you just watch the blood na tumulo from your finger. You’re so tulala pa and wala sa sarili that time” Pagbubuking sa kanya ni Angel

“Hah? Ah--- Eh!! Takot lang ako sa dugo”

“Hello Sam!!! Ang tagal na natin sa isla na to and marami na tayong nakitang namatay na tao in a very bloody scenes tapos ngayon mo pa sasabihin na takot ka sa dugo?” Sabi sa kanya ni Ella habang inaalagaan si Jane

“C.R. Lang ako guys ah!” Hindi na naghintay si Sam ng sagot namin bagkus ay kumaripas ng takbo paalis

“I think she’s natatae so she looks like very tensyonado” Sabi ni Angel

tumayo na ko at sumunod kay Sam na wala naman masyadong nakapansin... nag aalala ako kay Sam. Kahit hindi nya sabihin, alam NAMIN na merong bumabagabag sa kanya na hirap syang sabihin samin.

“Sam Ano ba! Nawawala ka na sa sarili mo. Just act normal, wag kang maniniwala sa guni guni mo dahil hindi yun mangyayari” Napahinto ako ng marinig ko si Sam na mukhang kinakausap ang kanyang sarili.. Huh? Anong guni guni?

Dahil curious ako sa mga bagay nyang sinabi ay pumasok na rin ako sa CR

“Da-Daryl kanina ka pa ba dyan? Narinig mo ba ang mga sinabi ko?” Nagulat sya ng makita nya ko sa kanyang likuran para naman syang nahuli sa isang kasalanan dahil sa ekspresyon nya

“Ano yung mga narinig ko Sam?” Tanong ko sa kanya at hinuhuli ko ang kanyang mga mata na tumitig sakin pero patuloy lang nyang iniiwas

“Wa-wala! Wala yun, wag mo na lang pansinin” Sabi nya pero hindi pa rin nya ako tinitignan ng mata sa mata

“Sam” Pilit ko syang pinapaamin sa bagay na bumabagabag sa kanya dahil gusto kong makatulong sa kanya sa simpleng pagpapagaan ng loob

“Natatakot ako.” Sabi nya sakin, isinara ko naman ang pinto ng CR para makapag usap kami privately

“Natatakot saan?” Tanong ko sa kanya

“Na, Mamatay kayo. Na iwan nyo ko. Na makita kayo na isa Isang nawawala sa mismong harapan ko” Sabi nya sakin

“Hindi naman kami mawawala at mama---“

"yan!! yan ang lagi kong naririnig.. puro 'hindi naman kayo mamamatay' pero anong nangyari ? eto pito na lang tayong natitirang nakatayo..... natatakot ako, natatakot ako na hindi na ko makatagal sa lugar na to... natatakot ako na baka bukas wala na ko" umiiyak na sabi nya sakin

"Sam, huwag kang magpadala sa salitang 'natatakot' kapag naramdaman mo yan... mas lalo ka lang matatakot, mas lalo ka lang manghihina, mas lalong mababawasan ang dahilan mo kung bakit kailangan mong lumaban...  Sam kaya natin to...." explain ko sa kanya at hinawakan ko pa sya sa kamay para mapagaan ko ang kanyang pakiramdam

“Hindi! Eh ikaw Daryl, sino ka nga ba talaga? Paano kita pagkakatiwalaan kung wala man lang akong kaalam-alam tungkol sayo” seryosong sabi sakin ni Sam… dapat ko bang sabihin sa kanya ang sikreto ko? pagkakatiwalaan nya pa kaya ako kapag nalaman nya ang tinatago kong lihim?

“Just trust me, tutulungan kitang makaalis sa lugar na to”

“Please Daryl, ipaintindi mo sakin kung sino ka ba talaga, Paano mo nalalaman ang lahat? Paano mo nalalaman na meron na namang taong mawawala at nabibigyan kami ng warning?” sasabihin ko ba?? we'll mukhang wala na kong choice, hope na tanggapin nya ko kapag nalaman nya ang baho ng pamilya ko

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagbitiw ng mga salita

“Ako ay anak ng pinakamagaling na detective sa buong Pilipinas”

“WHAT!! You mean ikaw ang nag iisang anak ni Detective Miggy Delgado?”

“yeah… Nasa lahi na talaga namin ang galing sa pagsosolve ng mga misteryoso at paggawa ng mga konklusyon sa mga posibleng mangyari sa hinaharap” sabi ko sa kanya

"kaya ba nabibigyan mo kami ng warning? kaya ba lagi kang wala dahil naghahanap ka ng way para makaalis tayo dito" sunod sunod na tanong ni Sam sakin... halata sa boses nya ang pagkashock at pagkagulat dahil sa biglaang confession ko sa kanya

“Maniniwala ka rin ba sakin kung sabihin ko sayo na Bestfriend ko si Rena at sinundan ko lang sya sa St. Mildreds Academy para mabantayan ang mga kinikilos nya?” Malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kanya

Napasinghap naman sya dahil siguro sa sunod sunod na biglaang rebelasyon na sinabi ko

“Pero paanong--- kung magbestfriend kayo, bakit kasali ka pa sa laro? Bakit damay ka pa sa mga nangyayari?”

“Dahil kasalanan ng pamilya ko” Malungkot kong saad sa kanya

“Namatay ang buong pamilya ni Rena, at ang papa ko ang humawak ng kaso nila Rena” dugtong ko pa

“Oh tinulungan mo naman pala si Rena eh!” Sabi nya sakin.

"Alam mo bang nabayaran ang papa ko para manahimik at hindi ilabas ang katotohanan?? alam mo bang nabayaran lang sya ng school principal!! Hindi nabigyan ng hustisya ang pamilya ni Rena at ang papa ko na nakakaalam ng lahat, na dapat magsisiwalat ng totoong nangyari. NagSinungaling sya sa lahat ng tao..... Hindi nya binigyan ng hustisya ang pamilya ng BESTFRIEND ko, ako naman ay walang ginawa para tulungan ang bestfriend ko"

Natahimik naman si Sam dahil na rin siguro sa mga naririnig nya galing sakin

“Ngayong alam mo na. Isang bayaran ang papa ko, isang taong nasilaw sa pera… Kaya ganyan na laman ang galit sakin ni Rena”

“Wala kang kasalanan Daryl”

“Yun na nga eh! Wala akong kasalanan pero ako ang nagbabayad ng kasalanan na tatay ko naman ang may gawa. Ako tuloy ngayon ang nasa larong to, buhay ko tuloy ang nakataya dito” Sabi ko sa kanya

“Daryl---“

“Hindi ako tutulad sa papa ko, Gusto kong maialis kayo sa lugar na ito, gusto kong maibalik si Rena sa dati, at higit sa lahat gusto kong humingi ng tawad sa kanya” malungkot kong sabi sa kanya, hindi ko naman napansin na pumapatak na naman pala ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan

“Ang tapang mo Daryl, nakakaya mo ang lahat ng bagay kahit merong malaking burden na nakapasan sayo” Sabi nya sakin  dahilan para tuluyan na kong mapaiyak

Salamat Sam, Salamat dahil tinanggap mo kung sino talaga ako

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon