Battle # 24

15.8K 588 118
                                    

Third person’s POV

“Sam bilisan mo ngang tumakbong letche ka!... Lintek kasi eh! Why did I end up together with you?” Galit na sigaw ni April kay Sam. Aminado naman si Sam na lampa sya at hindi gaanong kagalingan sa mga physical activities

Kanina pa sila tumatakbo, papunta sila sa isang parte ng isla na maraming abandonadong bahay ang nakatayo... nakakatakot duon dahil para na itong ghost town

“April pwede bang magpahinga muna tayo kahit saglit lang?” hingal na hingal na sabi ni Sam kay April, Kanina pa kasi sila takbo ng takbo palayo sa hotel. Buti nga ay dumaan sila sa fire exit at backdoor ng hotel kaya hindi sila napansin ni Rena eh

“Ano pa bang magagawa ng ganda ko? Isang bobita ang naiwan sakin” Maarteng sabi ni April

Pumasok sila sa isang abandonadong bahay..... buti na lamang ay mag flashlight ang cellphone nila kaya naman nagkaroon ng liwanag

Puro alikabok ang loob ng bahay... nakatakip din ng telang puti ang lahat ng gamit dito... habang naglalakad sila ay may napansin silang kakaibang amoy

“Letche Sam! Utot mo ba yun? Ang baho ah!” Sabi ni April habang tinatakpan ang kayang ilong

“Wag ka ngang magbintang April! Kanina pa ko umutot nung tumatakbo tayo, wala na kong time ngayon para umutot” Sagot naman sa kanya ni Samantha...hinanap naman nilang dalawa kung saan nanggagaling ang mabahong amoy na kanilang nalalasap

“Sam baluga! Dito ata nanggagaling yung mabahong amoy! Halika dito Dali!” Sabi ni April at takip na takip sa kanyang ilong dahil sa bantot

“Buksan mo na April” Sabi ni Samantha kay April na ikinakunot ng kilay ni April

“Gaga! Ako ang nagturo… Syempre dapat ikaw naman ang magbukas, dapat fair tayong dalawa sa mga task” Maarteng sabi ni April sa kanya kahit naman hindi valid ang reason nya, sa takot na rin ni Sam ay napasunod sya ni April

pagkabukas nila ng pinto... tumambad sa kanila ang bangkay ng kanilang principal... puro saksak ang mukha nito... may nakatusok na palakol sa kanyang ulo, may nakatusok na pana sa kanyang dibdib, tanggal lahat ng ngipin, putol na rin lahat ng kanyang daliri.... nakabigti ito, kitang kita nila kung paano nakasabit ang duguan nilang principal

Base sa itsura nito ay mukhang isang linggo na ang nakakalipas simula ng namatay ito dahil naaagnas na ang katawan nito at natuyo na rin ang dugo sa paligid nito

“Ang baho!” Malakas na sigaw ni Sam, at umaarteng naduduwal ito”

“Wag ka ngang maarte dyan Sam, ganyan kaya amoy mo araw araw pinagtitiisan ko lang” Sarkastikong sabi sa kanya ni April

Tinapatan naman nila ng ilaw ang bangkay ng kanilang punong guro at nangisi naman bigla si April

“May nagawa naman pala na maganda si Rena eh!. Pinatay na nya ang principal natin na walang ibang inisip kundi ang image ng school natin, Very good Rena! Very good!” Pumapalakpak pang sabi ni April, Hindi naman umimik si Sam dahil alam naman nyang totoo ang mga sinasabi ni April

Pero hindi naman maiwasan ni Sam na maawa sa sinapit ng ka ilang principal.... naisip nya rin na baka sila na ang isunod

Parehas silang nagulat ni April ng ng may biglang kumalampag na malakas sa pinto kaya napilitan silang dalawa na magtago malapit sa bangkay at tinitiis ang baho ng bangkay

***

“Anne okay na ba si Frelle?” Tanong ni Daryl kay Anne

“Okay na” sabi ni Anne at binigyan nya ng tungkod si Frelle para makalakad ito kahit papano, inayo na rin nya ang pagkakabenda sa sugat nito       

Death Game: Don't Fall AsleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon