Chapter 1

10.2K 214 6
                                    


Chapter 1

Alexandra stared at Pablo Quirino. She was very much in love with him. And she thought she was lucky to have been chosen one of the interns in his family's company before she graduated three months ago. Ngayon ay doon na siya nagtatrabaho bilang assitant ng secretary nito. She was twenty-three years old.

Mas maaga sana siyang nakapagtapos ng pag-aaral kundi lamang ang ilang taon sa buhay niya ay inilaan niya sa pag-aalaga sa kanyang lola sa probinisya. Not that she didn't have any other choice, she had. But she chose to take care of Nana Maria.

Sa matanda siya lumaki, hanggang sa wakas ay matapos na ang tila walang katapusang obligasyon ng kanyang magulang na magtrabaho. Umuwi ang matanda sa probinisya hanggang sa magkaroon ito ng cancer.

Ang sabi ng kanyang mga magulang noong panahong natuklasan niya iyon ay huwag siyang tumigil sa pag-aaral. Sayang daw ang panahon niya. Subalit naunawaan niyang ang panahon ang kailangan niyang ilaan sa kanyang lola. Mabuti na rin lang sapagkat kung hindi ganoon ang kanyang naging desisyon, marahil na hanggang ngayon ay nagsisisi siya. Hindi kinaya ng kanyang lola ang mga huli nitong treatments. But at least she passed away with her by her side. Bukod pa doon ay ilang taon sila nitong nagkasama. Wala siyang pinagsisisihan sa naging pasya niya.

Now, at twenty-three, she had just had her college degree and at her first job. Ang plano niya ay kumuha ng kanyang MBA pagkatapos ng isang taon.

And she was in love with her boss.

Sino ba naman ang hindi mai-in love kay Pablo? He was the most gorgeous man she had ever seen. She thought he was even better looking than his twin, Paolo. It was odd considering they were identical. Siguro ay dahil iba ang appeal ng dalawa. Paolo was the jerk type, typical alpha male. While Pablo was such a sweet guy.

Pablo was twenty-nine years old. Vice president for operations ito ng kompanya, habang ang mas nakatatanda nitong kakambal naman ang siyang presidente.

Mukha namang napapansin siya ni Pablo sapagkat ito mismo ang nag-alok sa kanya ng trabaho pagka-graduate niya. He said she was hardworking, smart, and had a lot of potential.

Sabi niya sa kanyang sarili, gagawa siya ng paraan para maging nobyo niya ang lalaki. Hindi naman sa sineseryoso niya ang naisip niyang iyon. Ang plano lamang niya ang magpapansin dito nang husto. Ang problema lang, alam niya, at alam ng buong kompanya na ito ay may nobya na. Fiancee as a matter of fact, Judie.

And she hated that bitch.

Ilang ulit na niyang naaabutan si Pablo sa opisina nitong nag-iisa sa gabi kahit bago iyon ay dapat na may dinner ito kasama si Judie. Alam niya sapagkat karaniwang siya ang tumatawag sa restaurants para magpa-reserve.

Hindi iilang beses niyang itinanong sa lalaki kung bakit naroon ito. Nakukuha pa niya itong biruin kadalasan sapagkat parati naman itong may ngiti para sa kanya. One time she asked, "No hot date?" And he just said, "Judie's busy."

Hindi na nito kailangan pang magpaliwanag nang higit pa doon. Kita na niya ang disappointment sa mukha nito. At naiinis siya sa Judie na iyon na ginaganoon nito ang lalaking handa siyang ipagpaliban ang lahat upang makasama lamang kahit saglit.

Hindi niya na maalala kung kailan niya nakumpirma na ang nadarama niya para sa binata ay hindi simpleng crush lamang. Basta't isang pagkakataon na lamang, habang naroon sa opisina si Judie, ay natagpuan niya ang sariling umiiyak sa cubicle ng rest room, pinagagalitan ang kanyang sarili dahil para siyang tangang iniiyakan ang isang bagay na malabo namang mangyari---ang mapasakanya si Pablo. She was stupid and pathetic.

DARK CHOCOLATE SERIES 6: TRIPLE TREAT, LOVE REASSUREDWhere stories live. Discover now