Chapter 2

7.2K 200 14
                                    


Chapter 2

"Stop staring at me."

"I can't help myself. You're so cute."

Ang lakas ng tawa ni Pablo. Ang gaan ng pakiramdam ni Alexandra. Kanina ay para na siyang papanawan ng malay sa kaba. Parang ayaw na niyang makita pa ang reaksiyon nito matapos ang naganap. She was readying herself for a reaction from him that would break her heart---like leave or ask her to.

Iba ang ginawa nito. He kissed her forehead and helped her with her clothes. Matapos niyon ay dumaan ito sa isang restaurant at bumili ng pagkain. He then took her to his place. They had dinner there and then he gave her a warm bath and then made love to her again.

"I'm going to make it up to you because you little witch---you didn't tell me I'm the first," iyon ang sinabi nito sa kanya.

And now it was twelve midnight and she was still there, staring at his face, unable to believe that she was actually there, enjoying his warmth.

Nakatawag na siya sa kanila at ang sabi niya sa mommy niya ay niyaya siya ng kaibigan niyang lumabas at doon na siya nagpalipas ng gabi sa bahay nito. Sasakalin siya nito kapag nalaman nito ang totoo.

Wala siyang makapang pagsisisi sa nangyari sa kanila, kahit alam niyang may nobya ito. In her mind, she made a decision to not let what they had go away just like that. She was gong to fight for her feelings. Anuman ang maging resulta ay hindi na mahalaga. Ang importante, pagdating ng panahon ay maiisip niyang hindi siya tumunganga na lang sa isang tabi at hinayaan itong mawala sa kanya.

She planted a soft kiss on his chest. Dinampian nito ng halik ang kanyang noo.

"Why don't you get some rest now?"

"No second round?"

"You tease." Natawa ito.

She smiled. Isniksik niya ang katawan dito at hinila na siya ng antok. Nang magising siya ay mataas na ang sikat ng araw. She was alone in the apartment but there was a note on his pillow.

Ang sabi nito ay magpahinga na lamang daw siya sa araw na iyon. Para namang magagawa niya iyon. Saglit siyang umuwi sa kanila at nagtungo sa opisina matapos ang tanghalian.

She was glad to know she was not moving to another office. She went to his office to thank him. He looked happy to see her.

"What are you doing here? Ang tigas talaga ng ulo mo. Sabi ko, magpahinga ka na lang ngayon."

"I can't do that. I have a job."

"And the boss gave you a break."

"But the boss is so cute I figured I don't need a break. I'd rather work to see him looking so cute in his elegant suit, smiling at me like he's asking for a kiss."

Natawa ito at nilapitan siya. He closed the door and kissed her.

Oh, what joy...

ALEXANDRA almost jumped with joy when she found out she was pregnant. Hindi niya agad naisip ang sitwasyon nila ni Pablo. Siguro dahil sa nakalipas na isang buwan mahigit ay hindi naman nila nagpag-usapan ang bagay na iyon. Sa isip niya ay sigurado siyang hindi naman siya nito pababayaan. Isa pa'y hindi naman ito nagbabanggit ng anuman tungkol kay Judie kapag magkasama sila.

Madalas sila nitong magkasama, lalo na pagkatapos ng trabaho sa opisina. Karaniwan ay doon sila nagpapalipas ng oras sa apartment nito. They had fun always. She had fallen in love with him more.

Buong umaga ay nakangiti lamang siya. Kung walang meeting si Pablo, malamang na nasabi na niya rito ang magandang balita. Maaga niyang tinapos ang lunch break niya upang sabihin dito ang balita. Hindi na siya nag-abala pang kumatok sa pinto nito. Kaya nabigla siya nang makitang hindi ito nag-iisa doon. Judie was there. And the woman was looking at her.

DARK CHOCOLATE SERIES 6: TRIPLE TREAT, LOVE REASSUREDWhere stories live. Discover now