Chapter 4

6.7K 206 3
                                    

Chapter 4

Idinaiti ni Alexandra ang polo ng asawa sa ilong. She smiled bitterly. There was a trace of another woman's perfume in it. It was not her perfume. Hindi na siya nagpapabango lalo na at nasa bahay lamang siya parati.

Alam niya kung kaninong pabango iyon, kay Judie. Alam niya sapagkat nagpabili siya kay Shelley ng pabango nito. Ang clothes line nito ay naglagay ng bagong produkto, toiletries. She got curious about it and asked Shelley to buy her some. Nang umuwi ito ay dala ang buong line ng products ng Judie's, her signature.

Pablo had been lying to her, she found out, for a long time now. Wala man itong sinasabi sa kanya, ang pagtatago nito ng katotohanan ay isang kasinungalingan na ring maituturing.

Ilang gabi siyang hindi nakatulog, ilang gabing iniyakan ang nangyayari sa kanila. She never imagined a thing like that happening to them.

Noong una ay gumana marahil ang kanyang woman's instinct. She knew something was happening even if there were no signs yet. She just felt it in her bones. As a matter of fact, she felt it the moment she saw that Kodak moment with Pablo and Judie.

Inignora lamang niya noong una at pilit niyang inisip na hindi mangyayari iyon. Nai-insecure lang siya. Hindi kayang gawin sa kanya ni Pablo iyon. He would never sacrifice their family for an old face.

She should've listened to her instincts then. Siguro kung noon ay may nagawa pa siya. Pakiramdam niya ngayon ay nasa kalagitnaan na ang laban at ngayon pa lamang siya nag-eensayo.

Nakumpirma niya ang hinala ng pagsisinungaling ni Pablo nang makabili na siya ng Judie's. Nakalagay doon kung sino ang manufacturer ng produkto---ang kompanya nina Pablo, ang TQ Enterprises. Made exclusively for Judie's by TQ, the label read. And Pablo didn't tell her about it.

Nangako ito sa kanyang hindi na makikipagkita sa babae. Imposibleng hindi nagkikita ang dalawa. At hindi man lamang ito nagbanggit ng venture na iyon. She felt like an idiot. Isang simpleng detalye, hindi nito nagawang sabihin sa kanya. Why would he not tell her about it?

Only people with something to hide did that.

She read articles about cheating husbands, watched shows about it. She felt more miserable. Maraming senyales ng isang lalaking nagloloko ang narito.

Hindi niya ngayon alam kung kukumprotahin ito o hindi. Para siyang natatakot na malaman ang katotohanan. What if he told her he was never able to forget Judie? Paano na kung sinabi nitong handa itong makipag-annul sa kanya? She loved him so much she could not handle that. Not now. Isang taon pa lamang ang anak nilang bunso.

She always cried lately. Binabalikan niya sa isip niya ang lahat ng ginawa niya para lamang sa pamilyang iyon. Hindi lang naman ito ang nagsakripisyo, siya rin. She worked so hard to please her mother-in-law. Inaral niya pati pagluluto. Ilang ulit niyang iniyakan at pinagdasal ang katigasan ng ulo ng kanyang mga anak.

Nang sabihin ng kanyang biyenan sa kanya na nakakagawa pa ng charity work ang bilas niya, ginawa rin niya iyon. Nagpaukay-ukay siya sa Sweet Homes at ang kita ay ibinigay niya sa nasalanta ng land slide.

Noong nagtatrabaho na siya sa kompanya nina Pablo, nakaplano siyang kumuha ng MBA niya. She had her dreams too. Ipinagpaliban muna niya dahil sa nagsimula na sila ng pamilya nito.

Pangunahing dahilan sa lahat ng iyon ay ang pagmamahal niya kay Pablo. She knew he loved his mother so much and though she hated her, she tried to please her for him.

What thanks did she get? This.

Ilang ulit niyang tinanong si Pablo kung disappointed ba ito sa kanya bilang ina, lalo na noong makaaksidente ang kanyang triplets ng iba---pinakialaman ng mga ito ang pickup ng isang residente at nakabundol pa. Pablo just smiled and said she was the greatest mother he had ever seen.

DARK CHOCOLATE SERIES 6: TRIPLE TREAT, LOVE REASSUREDWhere stories live. Discover now