Chapter 7

7.8K 195 8
                                    

Chapter 7

Am I driving him towards Judie?

Hindi mapakali si Alexandra. Nasa eskuwelahan siya at kakatapos pa lamang ng eksamin niya. Alam niyang pasado siya doon. At ngayong tapos na iyon ay wala na namang laman ng isip niya kundi ang kanyang asawa.

"Penny for your thoughts?" si Q.

"I have to go."

"I'm sorry about last night. Nainis yata sa akin ang asawa mo?"

"Don't worry about it. See you."

Nagmamadali na siyang sumakay sa kanyang kotse at umuwi. Oo at nainis siya sa ginawa ni Pablo nang nagadaang gabi subalit nang mapag-isip-isip niya ay may karapatan naman talaga itong mainis. Naghanda ito nang husto at hindi siya nagpasalamat dito kung hindi pa nito ipinaalala.

Bakit ba hinayaan niyang pangunahan siya ng pagdududa niya? Kung gusto niyang umayos ang lahat, at mukhang sumusubok naman ito, bakit imbes na tanggapin niya iyon ay nagalit pa siya? Ngayon ay nangangamba siyang maging dahilan pa iyon para maisip nitong mas okay pa si Judie kaysa sa kanya.

Nang makarating sa bahay ay agad niya itong tinawagan sa opisina. May board meeting pala ang mga ito. At least, hindi si Judie ang ka-meeting nito. Pansamantala siyang nakahinga nang maluwag.

Siya naman ang naghanda sa pagkakataong iyon. Hindi pa rin niya alam kung makakaya niyang buksan ang usapan tungkol sa mga pagdududa niya mamaya subalit sa paghahanda niya ng masarap na hapunan ay baka sakaling makapag-usap sila nang matino. She was going to say she was sorry.

Hindi niya pinatulog ng hapon ang mga triplets para pagsapit ng gabi ay bagsak agad ang mga ito.

Subalit isang oras mahigit nang tulog ang mga ito ay wala pa si Pablo. Tinangka niyang tawagan ang cellphone nito subalit hindi naman nito sinasagot iyon. Nagpasya siyang tawagan na lamang si Paolo. Ang sabi sa kanya nito ay kasama nito ang kakambal subalit malayo rito at hindi nito maibibigay dito ang cellphone. Huwag daw siyang mag-alala. Nakahinga naman siya nang maluwag.

Maybe tomorrow would be a better day for both of us.

Nahiga na siya at nagdasal. Gabi-gabi ay ipinapanalangin niya ang samahan nilang dalawa. Ang pangunahing hiling niya sa Maykapal ay sana'y matutunan na siyang mahalin ni Pablo sa paraang gusto niya.

Hindi na niya namalayan kung anong oras siya nakatulog. Nang magising siya ay sikat na ang araw. Nagising siya sa pambubulahaw ng triplets sa kanya.

"Tulog pa si Daddy."

"Hayaan na ninyo, baka pagod. Breakfast na tayo?"

Tumango ang mga ito. Bumaba na nga sila. Natapos at natapos ang almusal ay nasa itaas pa rin si Pablo. Kahit kasi puyat ito ay parati itong maagang bumangon, at saka na lamang babawi ng tulog kapag nakausap na kahit sandali ang mga anak. Nag-alala siyang baka may sakit ito.

Nakadapa ito sa kama nang pumasok siya sa silid. Agad niyang dinama ang balat nito. Hindi naman ito mainit. Mukhang pagod na pagod ito anuman ang ginawa nito kagabi, kasama ang kapatid. Naisip niya agad na baka nag-inuman ang dalawa. Hindi kaila sa kanya na nasa proseso na ang annulment ni Paolo.

Inimis na niya ang mga damit nito doon. Mula sa bulsa ng pantalon nito ay bumagsak ang digital camera nito. Kinalikot niya iyon. At napatda siya sa nakita. Hindi lamang iisa ang kuha nitong walang pang-itaas at katabi si Judie na walang saplot kundi isang bra na itim. Madilim sa paligid, wala siyang ideya kung saan iyon kuha.

Hindi siya maaaring magkamali. Si Pablo iyon. Ang petsa ng mga larawan ay ang nagdaang gabi. May isang kuhang kita ang singsing sa kamay nito. Their wedding ring.

DARK CHOCOLATE SERIES 6: TRIPLE TREAT, LOVE REASSUREDWhere stories live. Discover now