Chapter 5

7K 181 11
                                    

Chapter 5

Pablo understood Alexandra. Or at least, he was trying to. Nagseselos ito kay Judie, halata naman iyon. At marahil nga, mabuting hindi muna sila nagtatabi pansamantala. Sana ay pansamantla lamang lahat ng iyon. Magdadalawang linggo nang doon siya natutulog sa kabilang silid. At hindi na siya sanay.

Nabigla siya nang sabihin nito sa kanyang ayaw muna siya nitong makatabi. Tatanggi sana siya subalit nangamba siyang lalo lamang itong makadama ng inis sa kanya kung ipipilit niya ang gusto.

Noong ikatlong gabing sa kabilang silid siya natulog ay tinangka niyang pumasok sa silid nila. Naisip niyang baka naman isa iyon sa mga style ng babae na kunwari ay ayaw pero ang totoo ay gusto lamang ng kaunting pagsuyo. He was mistaken. Alexandra said if he didn't want to sleep in the other room she would. Hayun, napilitan siyang bumalik doon.

Kasalanan din niya siguro. Hindi niya agad sinabi ritong matagal na silang nagkikita parati ni Judie. Iniiwasan lang naman niya ang pagseselos nito. Gaya na lamang noong nakita sila nito doon sa Polo Club.

Alam din niyang maraming insecurities ang asawa niya. Hindi naman lingid sa kanya ang pagpapangaral na lang parati dito ng kanyang ina. He admired Alex for being able to stand his mother.

Noong nagkita silang muli ni Judie, aminado siyang iba ang nadama niya. Nagkaroon man sila nito ng closure nito dati, parang hindi pa rin niya iyon maikonsiderang closure. They both knew they felt something for each other still when they said their goodbyes.

Hindi naman kaila kay Alexandra na napilitan lamang siyang pakasalan ito. Subalit sa pagdaan ng panahon ay natutunan na rin niyang palaguin ang atraksiyong noon pa man ay nadama na niya rito.

Hindi naman niya maaaring kalimutan na kaya nga may nangyari sa kanila ay dahil attracted siya rito. She was very pretty and very smart. Most of all, she gave him what Judie didn't---time and obvious admiration.

He loved his family. Hindi na niya makita ang sarili niyang hindi kasama ang kanyang mga anak. So now he wished everything could go back the way it was before.

Naisip niyang stressed out lang siguro si Alexandra. Alam niyang hindi madaling alagaan ang mga anak niyang kumbakit naman kahit hindi ipinaglihi sa kitikiti ay ubod nang lilikot. Hindi rin naman madaling alagaan ang kanilang bunso kasabay ng pagtingin sa triplets.

He prayed nightly for things to be okay.

Nang hindi siya makatiis sa silid ay nagpasya siyang katukin ang asawa. Pinatuloy naman siya nito. Nakaupo ito sa kama, may binabasang kung ano.

"How are you?" he tentatively asked.

"I'm okay. I need to talk to you."

"Sure." Tumabi siya rito. Akmang aakbayan niya ito nang umurong ito palayo. He sighed.

"You've always wanted me to get help around the place. Nakakita ako ng magandang agency. Let's hire two more maids and one yaya."

Napangiti siya at tumango. "That's a great idea. Maganda nga 'yon, hindi ka na mahihirapan sa mga bata."

"And a driver, too."

"Sure."

"Kumuha ako ng exam sa La Salle for my MBA. I want to enroll this coming sem."

Doon siya hindi agad nakakibo. Pinakatitigan niya ito. She looked so darn serious. And so darn pretty. Ang buhok nitong parating nakatali lamang, ngayon ay nakaladlad, iba ang gupit. Her face was glowing, too.

Aaminin niyang dumating ang pagkakatong lihim niyang hinihiling na sana ay maalala nitong bumisita sa parlor noon. And he would have liked it if when he came home from work she would be in nice lingerie and not her pajamas. But he always thought that was expecting too much. She was a mother of three brats and one baby girl. But he missed those days when they would make love so passionately. Hindi iyong parating pagod na ito. Kundi man ay siya ang pagod sa trabaho.

DARK CHOCOLATE SERIES 6: TRIPLE TREAT, LOVE REASSUREDWhere stories live. Discover now