CHAPTER ONE

14.3K 285 35
                                    

"HAYYY... Ang guwapo guwapo talaga niya," buntong-hininga ni Panyang

habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng counter sa loob ng pinakamamahal niyang

flower shop. Pinangalanan niya itong 'Hardin ni Panyang Flower Shop'. Daig pa niya

ang nakasinghot ng isang dosenang katol sa sobrang pagka-high. Kulang na lang ay

tumulo ang laway niya.


Paano ba naman hindi siya magkakaganoon? Dahil naroroon sa tapat ng shop

niya ang pinaka-guwapo at machong lalaki sa kasaysayan ng kalalakihan. Ang major

major crush niya in the history of mankind. Si Joneil Victor Pineda. At sa mga oras na

iyon. Hayun ang lalaki at abalang abala sa pagpapapawis. Busy ito sa pagtakbo sa

treadmill habang wala itong malay na may isang babaeng nagnanasa sa alindog niya.

Napalunok siya ng laway. Pakiramdam kasi niya ay nanuyo ang lalamunan niya

nang tumigil ito at bumaba sa treadmill. Kahit na medyo singkit siya ay nanlaki ang mga

mata niya nang makitang tumulo ang pawis nito simula sa leeg, pababa ng dibdib nito.


"Diyos ko po, patawarin po ninyo ako. Ngunit hindi ko talaga mapigilan ang

pagnanasa sa taong ito. Tingnan n'yo naman. Ang yummy n'ya!" aniya sabay kagat sa

ibabang labi niya. 


"Kung ganito ng ganito ba ang makikita ko tuwing umaga, hindi ko na

kailangan mag-breakfast. Pawis pa lang, kape na." kausap pa niya sa sarili.


Napapitlag siya ng tila may nagpunas ng kung anong tela sa gilid ng labi niya.

Tiningnan niya kung sino ang malaking istorbong iyon sa pagpapantasya niya kay Victor.

Ganoon na lamang ang kunot ng noo niya nang makita si Roy. Seryoso ang mukha nito

habang nakatanaw din sa labas.


"Ano ba naman 'yan? Istorbo ka naman eh!" pagsusungit niya dito.


"Baka tumulo ang laway mo," sagot nito na tila ba balewala ang pagsusungit niya

dito.


"Huwag ka ngang makialam kasi. Ang aga pa para inisin mo ako!"


"I'm a customer here and I demand your attention. Paano kikita itong simpleng

flower shop na 'to kung ganyan hindi accommodating ang mismong may-ari," reklamo

pa nito. Napapikit siya saka tinakpan ang magkabilang tenga. 


"Ang sunget talaga naman nitong taong batong 'to! Panira ng magandang mood!" reklamo niya sa sarili.


Nagulat pa siya ng hawakan siya nito sa pulsuhan saka puwersahang binaba ang isang kamay 

Tanangco Boys Series 2: Rene Roy CagalinganWhere stories live. Discover now