CHAPTER NINE

8.6K 197 8
                                    

          PAULIT ULIT na umalingawngaw sa pandinig niya ang huling mga katagang

sinabi ni Roy. Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya. Pakiramdam niya ay

pinukpok ng maso ang dibdib niya. Ganoon kasakit ang mga katagang tila isinampal sa

kanya ng binata. Bigla ay nahirapan siyang huminga.

"R-roy..."

"Noong una kay Victor. Ngayon naman sa akin. Sino ba talaga sa amin, ha

Panyang? O baka naman pinaglalaruan mo lang kami pareho."

"Hindi totoo 'yan!" sigaw niya.

"Istorbo ka sa buhay ko! Wala kang dinala kundi problema! Daig ko pa ang may

alagang bata kapag kasama kita!"

"Tama na!" sigaw niya dito. Hindi niya napigilan ang sarili nang biglang umigkas

ang isang palad niya at malakas na dumapo iyon sa pisngi ni Roy.

"Noong maramdaman kong mahal kita. Alam ko sa sarili kong totoo 'yon.

Dahil ikaw lang ang naka-intindi sa akin. Sinusungitan mo man ako pero nariyan ka pa

rin sa tabi ko. Hindi mo ako iniwan. Pinaramdam mo sa akin na puwede akong mahalin at

puwede rin akong magmahal. Pinaramdam mo sa akin hindi ako ordinaryo. Because you

always made me feel special."

"Then, you misunderstood everything that I did." Anito.

"Ano?" Hindi niya namalayan na nabitawan na niya ang hawak na cake.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Remember? I was doing your grandfather a

favor. Labag man sa loob ko pero kinailangan kong sumunod. Tumatanaw lang ako ng

utang ng loob."

"No," tanggi niya. Habang sunod-sunod pa rin ang pagpatak ng mga luha niya.

"Yes. Take it or leave it."

"Kung ganoon, lahat ng pinakita mo sa 'kin. Lahat nang iyon ay dahil lang sa

utang ng loob?" 

Triple ang sakit na nararamdaman niya. Ang akala niya ay mahal din

siya ng binata. Ngunit may isang bahagi ng puso niya ang nagsasabi na nagsisinungaling

ito. She remembered the first time they kissed.

"Kung ganoon, hindi totoo lahat ng naramdaman ko noong unang beses mo akong

hinalikan?"

Natahimik si Roy. Tumungo ito. Pilit nitong itinago ang mga mata sa kanya.

"Talaga? Nag-kiss na kayo?" singit ni Ken sa usapan.

"Ssshhh! Manahimik ka nga diyan. Gawin mo na lang 'yang kotse." Saway dito

ni Leo.

"Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan 'yon. It's just a kiss. Walang ibig

sabihin 'yon. Kaya tigilan mo na ang pangangarap mo ng gising na mamahalin kita."

"Sinungaling! Sinungaling ka! Alam kong mahal mo ako. Dahil nararamdaman

Tanangco Boys Series 2: Rene Roy CagalinganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon