CHAPTER FOUR

7.7K 190 2
                                    

GUSTONG ma-guilty ni Panyang kapag naririnig niya ang usapan ng mga

tsismosa sa paligid. Naging malaking balita sa lugar nila ang 'black lady' sa puno ng

mangga. Pati si Olay na walang kamalay-malay ay natatakot rin. Ano ba naman kasi ang

malay niya na may mga bata pa ng ganoong oras at makikita siya? Minsan talaga ay hindi

na rin niya maintindihan ang trip niya sa buhay.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang dumating si Olay sa shop niya.

Sumulyap siya sa suot niyang wrist watch. Ang aga yatang rumampa ang baklang 'to!

"Naks! Ang aga ng rampa natin ngayon ah. May bago kang papa?" panunudyo

niya dito.

"Hay naku bakla, ayoko mag-stay doon sa tindahan ko ng gabi. Hayun at umupa

na nga lang ako ng magba-bantay na malakas ang loob." Litanya nito habang hindi

maipinta ang mukha sa sobrang simangot.

"Eh bakit naman?"

Nagkamot pa ito sa ulo. "Girl, haven'tyou heard the latest freaky news?" 

"Anong news?" kunot-noong tanong niya. 

"So scary talaga! May nagpapakita dawna black lady sa punong mangga. Mgabatamismo ang 

nakakita. Hayun at nilagnat daw sa sobrang takot ang dalawang bata. Nakitanga rin daw ni Ken 

'yong black lady." Napalunok siya. Pati siya aynapakamot ng ulo kahit hindi naman

 makati.Lord, hindi ko naman po intensyongmanakot eh... 

"Eh Olay, may sasabihin ako sa'yo.Wala naman black lady eh." Aniya. 

 "Ha?" 

"Oo. Hindi totoo 'yon. Nagkamali lang'yong mga bata." 

"Paanong nagkamali?" naguguluhang tanong nito. "Ako'yong babae sa puno ng mangga. Naka-

abaya kasi akong itim n'on." 

"What?Luka-loka ka talaga!" 

"Hindiko nga sinasadyang manakot! Iyon ang sinuot ko kasi nga nagtatago ako.Dahilalam kong

 kapag may nakakita sa akin siguradong mang-aasar ang mga 'yon. Eh nakitaako ng mga bata. 

Ayun! Ganoon na nga ang nangyari." 

"Hay... abnormal ka talaga!" 

Natawa na lang siya matapos angrebelasyon niyang iyon. Kahit kailan talaga ang mgatao sa 

kanila ay napaka-exaggerated. Isang beses na nagkaroon ng sugat sa paasi Olay.Kumalat agad 

iyon sa buong Tanangco at ang simpleng sugat ay naging kanser na samga tsismosa. 

 Ilang sandali pa ang lumipas nangmakuha ang atensiyon nilang magkaibigan ngpumaradang 

dalawang itim na sports car. Halos magkasabay na bumaba sa kani-kaniyangsasakyanang 

dalawa ring lalaki. Pareho niyang kilala ang mga ito. Ang isa ay si Rupert,angtagapangasiwa 

kapag may karera. At ang isa ay walang iba kundi ang mortalniyang kalabansa racing. Si Gilbert 

Landicho. Bigla ay kinabahan siya nang magtama ang paninginnila ng huli. 

 "Sino 'yan girl?" usisa ni Olay.

Tanangco Boys Series 2: Rene Roy CagalinganWhere stories live. Discover now