CHAPTER SIX

8K 198 1
                                    

HINDI niya matiyak kung ilang beses na ba siyang naghihikab. Naluluha na

nga ang mga mata niya. Nakakailang order na rin siya ng kape. Naroon sila ngayon ni

Roy sa isang coffee shop malapit sa opisina nito. Sinama siya nito sa meeting nito kay

Mr. Macalintal. Ayon kay Allie, kapag na-kumbinsi ni Roy na sa kanila bumili ng

Computers ang matanda para sa itatayo nitong malaking mall. Mahigit limampu ang

magiging sale nila. Malaking pera.

Muli ay naghikab siya. This time, nakuha niya ang atensiyon ni Mr. Macalintal.

"Are you okay, hija?" tanong ng matanda.

"Oh yes Sir, huwag po ninyo akong alalahanin." Aniya.

Binalingan nito si Roy. "Mukhang puyat itong nobya mo, Roy. Hindi mo na dapat

siya pinilit pang isinama dito."

"Ho? Naku eh..." aniya. Hindi niya alam ang dapat sabihin. Napagkamalan silang

magkasintahan.

"I'm sorry Sir, but she's not my girlfriend." Pagtatama ni Roy.

Sa sinabing iyon ng binata ay nakaramdam siya ng kalungkutan. May kirot sa

puso niya nang sabihin nitong hindi sila magkasintahan. Kung kanina'y naluluha siya sa

antok. Ngayon ay tila ba talagang gusto niyang umiyak.

"Gano'n ba? Ay sayang naman. Bagay pa naman kayong dalawa." Anang

matanda. Tumawa pa ito.

"Naku eh, hindi ko ho 'yan type." Pagbibiro na lang niya para matakpan ang sakit

na nararamdaman niya. "Kaya lang niya ako sinama ay dahil sa kanya ako pinag-training

ng Lolo ko." Pagdadahilan niya.

"Ano bang pangalan ng Lolo mo, hija? Baka magkakilala kami."

"Manuel po. Don Manuel Santos."

Bumakas ang ngiti sa matanda. Kung tama ang nasa isip niya ay kilala ito ni Mr.

Macalintal.

"Manuel Santos ba ikamo? Si Manny na kilala sa Pasig?" anito.

"Opo." Magalang niyang sagot.

"Tingnan mo nga naman. Kaibigang matalik ko iyang si Manny. Magkasama na

kami simula elementarya pa lamang."

"Really po? That's good." Sagot niya.

"Kumusta na ang Lolo mo?" tanong ulit ni Mr. Macalintal. Tila ba nakalimutan

nito ang business proposal na kanina pa tinatalakay ni Roy dito.

"Okay naman po siya. Kung gusto po ninyo, dalaw po kayo sa bahay. Naroon

naman siya palagi."

Tumango-tango ang matanda. "Bukas na bukas din ay pupuntahan ko ang

kaibigan kong 'yon. Matagal na rin kaming hindi nagkikita." Muli ay binalingan nito si

Roy na tahimik at nakikinig lang sa usapan nila ng matanda.

"Kung sa'yo ipinagkatiwala ni Manuel itong apo niya. Aba'y nasisiguro kong

Tanangco Boys Series 2: Rene Roy CagalinganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon