CHAPTER EIGHT

8.3K 218 10
                                    

"TUMAHIMIK nga kayo diyan," saway niya sa mga ito.

"Pare naman, hanggang ngayon ba maglilihim ka pa sa amin? Aminin mo na kasi,

may gusto ka kay Panyang." Ani Leo.

"Tigilan n'yo 'ko."

"Hay naku Papa Roy, ikaw rin. Baka sa kakaganyan mo. Sa iba mapunta si Little

Miss Green Eyes, magsisi ka pa." dagdag ni Olay.

"Wala akong gusto sa kanya," sabi niya.

"Dude, iyan din ang sabi ko noon kay Allie." Paalala ni Darrel.

"Ako na naman ang pinagti-tripan n'yo ha?" naiiritang wika niya sa mga ito.

"Ows? Kung talagang wala kang gusto sa kanya. Bakit ang sama ng tingin mo

kay Victor noong binigyan niya ng softdrink si Panyang pati noong hinatid niya siya."

Ani naman ni Humphrey.

Natahahimik siya. Bakit nga ba? Lately, Roy analyzed his feelings for her.

Ayaw man niyang aminin pero nami-miss niya ang dalaga kapag wala ito sa paningin

niya. Naiinis siya kapag sinasabi nitong mas gusto nitong kasama si Victor. Labis siyang

nag-aalala kapag nalalaman niyang may problema ang dalaga. Ayaw niya itong

nakikitang malungkot. He just want her to see happy. And he will never forget the

genuine of her laughter. The beauty of her smile. Her beautiful eyes. And her soft red

lips. He love the feeling of being with her for the rest of his life. Gusto naman niyang

may magpasaya sa kanya.

Ngunit nagtatalo pa rin sa mga sandaling iyon ang puso at isip niya. Ang sabi ng

isip niya ay hintayin at umasa kay Allie. Ngunit base sa bilis ng tibok ng puso niya, tila

isinisigaw nito si Panyang.

"O ano? Hindi ka na nakakibo diyan?" untag sa kanya ni Dingdong.

"Totoo bang in love ka sa pinsan ko?"

"I don't know." Usal niya. "Maybe not."

"You have to be sure. Or else, sigurado akong masasaktan ang bestfriend ko." Ani

naman ni Chacha.

"Eh kayo? Sigurado na ba kayong hindi kayo magkakabalikan?" tanong ni Vanni

na ang tinutukoy ay sina Dingdong at Chacha.

Kapwa natahimik ang dalawa. Dating magkasintahan ang mga ito. Ngunit sa

hindi malamang dahilan ay naghiwalay ang mga ito na humantong sa paglayo ni Chacha.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig..." kanta ni Justin. "Naks!"

"Ewan. Makaalis na nga lang," ani Chacha saka naglakad palayo.

"Pikon si Chacha! Pikon si Chacha!" pang-aasar ulit ng mga ito.

Habang abalang-abala sa kakatukso ang mga ito sa dating magkasintahan. Palihim

siyang umalis. Gusto muna niyang mapag-isa at makapag-isip ng maayos. Gusto niyang

Tanangco Boys Series 2: Rene Roy CagalinganWhere stories live. Discover now