CHAPTER FIVE

8.6K 192 2
                                    

HINDI maipaliwanag ni Roy ang naramdaman niya nang makita niyang nasa

loob ng kulungan si Panyang. Masyado itong maganda para makitang nasa likod ng mga

rehas na bakal. But part of him wanted to hate her. Hindi niya maintindihan kung bakit

nagagawa ni Panyang na lumabag sa batas. Napakatigas ng ulo nito.

Nang marinig nila mula kay Olay na nahuli si Panyang ng mga pulis ay agad

nilang pinuntahan ni Dingdong ito sa presinto. May mga kasama roon ang dalaga. Mga

pumusta sa kanya at sa kalaban nito. Napag-alaman rin nila na set-up ang lahat. Agad

naman itong napiyansahan. Sadyang nagsumbong ang nagngangalang Gilbert Landicho

sa pulis. At dahil matagal ng mainit sa mga mata ng alagad ng batas ang drag racing.

Agad naman nakipagtulungan ang mga ito. Napag-alaman din nila na kaya nagawa ng

lalaki iyon ay dahil sa personal na inggit at galit kay Panyang. Dahil kahit kailan daw ay

hindi ito nanalo sa dalaga.

Habang pauwi sila sakay ng itim niyang Ferrari ay hindi nagpapansinan ang mag-

pinsan. Siya naman ay tahimik na nagmamaneho. Si Panyang ang bumasag sa

katahimikan.

"I'm sorry," anito.

"Sorry? Ilang beses mo nang sinabi 'yan. Pero hindi mo naman tinigilan ang

kalokohan mong 'yan. You're so hard-headed Pamela." Sermon ni Dingdong.

"Alam ko. Kaya nga nag-so-sorry eh. Hindi na ulit ako magre-race. Huli na 'yon."

"Lolo already warned you. Pasensiyahan na lang tayo kapag pinull-out niya ang

kotse mo at pinasara niya ang flower shop mo."

"You can get my car if you want too. Huwag n'yo lang isara ang flower shop."

"Si Lolo ang kausapin mo."

Simula sa kinauupuan niya ay kitang-kita niya sa rearview mirror ang lungkot sa

mga mata ni Panyang. He felt strange. Suddenly, he wants to stop the car and embrace

her. And tell her, everything will be alright. Ano bang nagyayari sa akin? Dati naman ay

wala akong pakialam sa mga ginagawa niya sa buhay niya. Roy! Umayos ka nga!

Kausap pa niya sa sarili. Huminga siya ng malalim saka tinuon ang atensiyon sa

pagmamaneho. Kinundisyon niya ang isip. Hindi siya dapat makaramdam ng kung ano

para kay Panyang. Hindi dapat.


"I AM so disappointed with you, Pamela. Winarningan na kita noong isang

linggo. And here you are again. Mas malala pa. Nahuli ka ng pulis. Do you have any idea

kung anong iisipin sa'yo ng ibang tao?"

Hindi alam ni Panyang kung ilang beses nang inulit 'yon ng Lolo niya. Naroon

siya sa bahay nito. Nakarating agad dito ang balita tungkol sa pagkakahuli sa kanya.

Tanangco Boys Series 2: Rene Roy CagalinganWhere stories live. Discover now