CHAPTER TWO

9.6K 254 11
                                    


PINAKATITIGAN ni Panyang ang driver na sakay ng itim na sports car. At

base sa hitsura nito, kulang na lang ay lamunin siya nito ng buong-buo. Pero hindi kailan

man siya magpapasindak dito kahit na babae siya. Ngumisi pa siya saka kumaway dito.

Lalong nagsalubong ang kilay ng lalaking iyon. He is Gilbert Landicho. Ang mortal

enemy niya pagdating sa drag racing. Her favorite past time. Alam niyang illegal iyon.

Pero 'yon ang challenge para sa kanya. Hindi naman siya takot. Ilang beses na rin siya

hinabol ng mga pulis sa magkakaibang pagkakataon. Ngunit nalulusutan niyang lahat

'yon.


She's one hell of a driver. She can join professional car racing if she wants too.

Pero mas gusto niya 'yung may challenge. Gaya nito. Drag Racing. Ngunit iilan lang ang

nakakaalam niyon. Tanging ang pinsan niyang si Dingdong at ilang malalapit na kaibigan

niya kasama na si Olay.


"Relax dude, ikaw rin. Baka mapahiya ka na naman ulit." Pang-aasar pa niya dito.


 "I'll get it this time," sagot lang nito. Nagkibit-balikatlang siya. 


"We'll see." 


Binalik niya ang paningin sa lalaking nakatayo sa harap ng sinasakyan nilang kotse. Hawak nito

 ang isang malaking putingtela. Tinaas nito ang tela. She fixed her eyes on the road. Kahit na 

malalim ang gabi ay kitapa rin niya ang daan dahil sa mga ilaw ng poste sa kahabaan ng 

Macapagal Highway. Mariin niyang tinapakan ang gas. And concentrate. Nang binaba ng lalaki 

ang hawak na tela ay agad na pinasibad niya ang minamaneho niyang red sports car. Halos 

lumipad ang sinasakyan niya. Napapangiti lang siya ng makitang nahuhuli ang kalaban niya. 

Naaamoy na naman niya ang panalo. Makailang beses nitong sinubukang abutan siya ngunit 

talagang sadyang mabilis siyang magmaneho. Pagdating niya sa finish line ay pinalakpakan siya 

ng mga pumusta sa kanya. 

 "I knew it!" masayang wika ng iba. 

"Wala ka talagang kakupas-kupas Panyang!" sigaw pa ng iba. 

Bumaba siya ng kotse. Saka nakipag-high five sa mga nanalo sa pustahan. Hindi nagtagal ay 

dumating ang galit na galit na si Gilbert. Halos masira ang pinto ng kotse sa lakas ng 

pagkakasara nito. 

"Dinaya mo ako!" sigaw nito. 

 She rolled her eyes. Saka humalukipkip. Hay...heto na naman kami...nandaya daw ako...

"Really?"aniya na nilakipan pa ng nang-iinis na tinig.

"Ask them kung nandaya ako." 

"Makakabawi din ako sa'yo," banta nito. Nagkamot pa siya ng ulo.

"Alam mo ikaw. Puro ka banta. Lagi naman walang nangyayari. Gawin mo na lang." sagot pa niya

Tanangco Boys Series 2: Rene Roy CagalinganWhere stories live. Discover now