CHAPTER SEVEN

8.1K 204 10
                                    

"MAGANDANG Umaga! Maligayang pagdating sa Hardin ni Panyang

Flower Shop!" buong sigla niyang bati nang marinig niyang tumunog ang windchime

na nakasabit sa may entrance door ng shop. Pagharap niya ay nawala ang mga ngiti niya.

Si Allie pala ang pumasok doon. Hindi niya alam ang dapat sabihin dito..

"Hi Girl," bati nito sa kanya nang nakangiti.

"H-hi," alanganin ang ngiting iginanti niya dito. Nakaramdam kasi siya ng hiya

dito matapos ang eksenang nila ni Roy sa mall. "K-kumusta k-ka na?"

"Ayos lang. Masaya ako, Panyang." Anito na bakas sa mga mata ang tunay ng

kasiyahan.

"Mabuti ka pa. I'm happy for you and Darrel."

"Salamat. Pumunta ako dito para sabihin sa'yo na wala kang dapat alalahanin sa

amin ni Roy. Mabuting kaibigan ko lang siya. I know na nasaktan ko siya. Pero alam ko

rin na magiging okay lang siya dahil nariyan ka. Alam kong hindi mo siya papabayaan."

Tumungo siya. "W-wala naman akong gusto kay Roy." Tanggi niya.

Lumapit sa kanya si Allie. Saka nilapat ang isang palad nito sa tapat ng puso niya.

"Pero iba ang sinasabi nito." Anito.

Tiningnan niya ito ng diretso sa mga mata. "Ano bang sinasabi mo?" kunwa'y

tanong niya.

"Alam kong mahal mo siya Panyang. Nakikita ko 'yan sa mga mata mo. At base

na rin sa bilis ng tibok ng puso mo. Ipaglaban mo kung ano ang nararamdaman mo."

"P-pero... paano ka?"

"Mahal na mahal ko si Darrel."

Niyakap niya ito. "Salamat Allie. Pangako. Akong bahala sa kanya."

Naramdaman niyang gumanti rin ito ng yakap sa kanya. Naputol ang seryosong usapan

nila nang dumating si Darrel.

"Sweetheart," anang bagong dating. "Nakapili ka na ba ng bulaklak?"

"Um... hindi pa. May pinag-usapan pa kasi kami nitong si Panyang the great."

"Pili ka na. Baka ma-late na tayo."

Matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Allie ay mas lalo pa siyang nagkaroon ng

lakas ng loob para ipaglaban niya ang nararamdaman para kay Roy. Sa sobrang saya niya

ay hindi na niya pinagbayad si Allie sa binili nitong bulaklak.

Bago umalis ang dalawa ay may pahabol pa si Darrel.

"Nga pala, hinahanap ka ni Roy."

Kulang na lang ay tumalon ang puso niya sa sinabing iyon ni Darrel. "Talaga?"

"Oo. Naroon siya kay Olay." Sagot naman nito.

"I'm here." Napalingon silang lahat sa nagsalitang iyon. Nasa likuran na ito nang

magkasintahan.

Her heart beats double. Kung puwede lang tumalon ang puso niya palabas ng

dibdib niya ay malamang kanina pa iyon nawala. Tinitigan niya ang guwapong mukha ng

Tanangco Boys Series 2: Rene Roy CagalinganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon