Chapter 10: Continuous

781 15 0
                                    

***

Chapter 10: Continuous

"Do not judge my story by the chapter you walked in on."

                         Unknown

Nakatingin lang ako kay Min habang ginagamot ang aking noo.

"Masakit pa?" mahina nitong sambit sabay tingin sa aking mata kaya napaiwas ako.

"H-Hindi na."

In my peripheral view, ngumiti ito at inilagay na ang bandage sa noo ko.

Bumaling ang tingin ko kay Duri na naglagay ng alcohol sa sugat ni Officer Jim sa braso nito.

"Duri!"

Agad na nagpaulan ng bala ang kasama nito kina Coby sa likod. Wait lang– Mas nilakihan ko pa ang aking mata upang mas makita ko kung sino ang kasama ni Duri.

It was Jun!

Naramdaman kong binilisan ni Officer Jim ang takbo dahil hindi na kami ang sinusundan nila Coby kundi sila Duri. He turned left, but I can still clearly saw them.

Mas binilisan pa ni Duri ang takbo na sa tingin ko ay umabot ito ng 100. Mas sumeryoso ang mukha nito at may kinuha sa bulsa.

"What the!"

Gulat kong bulong sa hangin. May hawak siyang 45 calibre at agad na itinutok kina Coby at ipinutok pero nakaiwas sina Coby kaya itinigil ni Duri ang pagdadrive na dahilan ng pagbunggo ng sasakyan nila Coby sa likod ng sasakyan nila Duri.

"Sila Duri–

"Hayaan mo na sila Selene. Duri knows what to do more than you think." bara ni Min kaya hindi na ako umimik at tuminging muli kina Duri na bumaba na sa sasakyan.


Bigla itong tumingin sa aking direksiyon pero hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya. Nanatili akong nakatingin hanggang sa siya ang lumihis ng tingin.

Bigla akong tumayo at lalapit na sana sa kanya nang biglang bumukas ang pinto rito sa headquarters.

It was Kuya Ki kasama si Mama. Umikot ang tingin ni Mama at nang makita ako nito ay agad itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking pisngi.

"I've told you!"

"I will accept that as my punishment eh? Not a compliment." nakangiti kong sambit.

Kinurot ako nito sa pisngi kaya napasigaw ako.

"You are stubborn." wika nito.

"Hahaha. Seeing you two are just like a rainbow after the rain."

Napalingon kami kay Inspector na nakangiti sa amin.

"Not like before having a rain without a rainbow." tugon ni Mama.

"So ano ang plano niyo?"

Natigil ang tawanan nang nagsalita si Officer Jim.

"Kami na ang bahala sa kanila." maawtoridad na sambit ni Kuya.

Ibig sabihin makikialam na sila? Ibig rin bang sabihin na maaaring alam nila kung ano ang maaaring gawin at magagawa nila Coby at ng misteryosong babaeng iyon? Siguro nga. Maaaring may alam sila kaya sasali na sila sa gulong ito. After this I will go that room again for my investigation.

IMPETUS (Book II of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon