Chapter 11: Weighing

741 14 0
                                    

***

Chapter 11: Weighing

"Great things come from small beginnings."

                      –Unknown

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Sasha at nakaluhod siya sa harap ni– The heck?!

"Matthew? Anong nangyari?"

Lumapit ako kay Baek na may malaking sugat sa balikat nito. Hinawakan ko ito kaya napadaing siya.

Hindi kutsilyo ang ginamit sa sugat niya. It was a wood. A sharp wood!

"S-Selene, l-lumayo ka na dito." wika nito bago nawalan ng malay.

"Matthew!"

Napalingon ako sa sumigaw. It's Min kasama sila Duri, Yang at Nicolas.

Agad na hinawakan ni Min ang kambal at inalalayan ito kasama si Yang.

Muli akong napalingon sa guro at tumakbo doon. Bakit sunod-sunod? Ano ang gusto nilang mangyari? Are they trying to compete with us?

Lumapit ako sa guro at hinawakan muli ang pulso nito.

"Hindi pa ito ang huli Byeong."

"It was the beginning dear."

Can it be them? Sila rin ba ang may gawa nito?

Tumingin ako sa direksiyon ng teacher.

"Ma'am, asan po ba kayo nang nangyari ito?"

Tumingin naman ito sa aking direksiyon.

"Why would I say it to you?" mataray nitong tugon.

Napairap ako.

"I am here to help, and will have an investigation." nakangiti kong usad. Tsk. Akala niya siguro nasisiyahan akong makipag-usap sa katulad niya.

Napataas ang kilay nito pero agad niyang binawi.

"Nasa office ako." sagot nito.

Lumipat naman ang tingin ko sa janitor.

"Asan po kayo nang nangyari ito?"

Itinuro nito ang direksiyon papuntang pool.

"Naglilinis ako."

"Nasa gate 1 ako ng campus, nagbabantay." singit ng guard.

And the students were here in the oval kasama ang guro.

"Saan siya pumunta bago rito?" tanong ko kay Anne.

"Nasa computer lab po sya nang nauna na kaming umalis papuntang oval. Pero makalipas ang dalawang oras ay hindi pa siya pumunta kaya napagpasyahan naming pumunta sa cafeteria at nang bumalik na kami sa oval ay ito na ang nadatnan namin."

Ibig sabihin maaaring sa computer lab siya pinatay.

Agad akong tumayo.

"Pwede mo ba akong samahan sa computer lab ngayon?"

Napatango naman ito at nagsimula ng maglakad.



Nasa gate 1 ang guard, habang nasa office ang guro, si Kuya Janitor ay nasa pool at ang mga estudyante ay nasa cafeteria at maging sa oval. Pero, paanong–

IMPETUS (Book II of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon