Chapter 20: Welcome

753 17 3
                                    

***

Chapter 20: Welcome

"The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams." 

                     Eleanor Roosevelt

Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog pagkatapos ng gabing iyon. Hindi ko mawari dahil pagkatapos nong sayaw namin ni Min parang ayaw ko ng matapos. Napalingo na lang ako at tumingin sa labas ng bus. Papunta na kami ng West Philippine Academy at ang bus ng Southville High ang maghahatid sa amin.

Malayo ang dating school ni Duri sa Southville kaya doon kami sa dorm ng campus panandaliang titira ng dalawang linggo.

Dumako ang aking tingin kay Min na nakapikit. Nasa kabilang upuan ito sa kaliwa pero magkalinya lang kami. Katabi ko si Gyeong at Shin na natutulog.

"Min."

Nakangiti lang ito hanggang sa nakalapit na siya sa akin. Hinawakan nito ang aking beywang na nanginginig kaya mas lalong tumibok ng malakas ang aking puso. And then I hold his shoulder.

May inilibas ito sa kanyang bulsa sa likod at ibinigay sa akin.

White rose. Bigla akong kinabahan at biglang naging itim ang tingin ko sa carpet na kinatatayuan namin.

Napalingo na lamang ako at inabot ang rosas.

We dance.

"Bakit– ang tagal mo?"

Umikot ako kasabay ng paghawak niya sa aking kamay para umikot rin. Biglang nagtama ang aming mga mata ng mas malapitan.

"I just encountered a dog." sambit nito.

My brows rise. Talagang takot siya sa aso, pero I can feel that he was lying.

"Hindi aso ang nakita mo, hindi ba?"

Lumayo ito ng kaunti sa akin at iginiya ako pakanan kasabay ng pag-iba uli ng tugtog.

"You. I cannot hide anything from you. Then did you also notice what I felt? You are good in deciphering codes, so it was easy for you." seryoso nitong sambit.

Tinitigan ko lang siya. Dumbfounded. I am dumbfounded.

Ibig sabihin Min, may gusto ka sa akin? No. Napalingo ako. Imposible. Min was serious, mysterious and workaholic. Maybe it was just different of what I'd thought. Hindi ako gusto ni Min.

"Okay class. Pagpasok niyo sa loob ay siya namang paglabas ng mga exchange students ng West Philippine Academy. So if you want to make friends with them, you can within 5 minutes only." bungad sa amin ni Miss Kat.


Mahigit 4 na oras rin ang naging biyahe namin. Pinagmasdan ko ang gate ng West Philippine Academy na mas malaki pa sa Southville High. Sa tantiya ko, nasa 30 feet ang haba nito kaysa sa Southville na 20 lang. Kulay green at may nakalagay na West Philippine Academy na gawa sa silver sa gitna ng gate. Walang mga dumi o lumot na nakadikit sa bawat parte ng gate. I sigh. Maaaring dito ko na mahanap ang kasagutan sa nangyayari sa paaralan namin o baka panibago na naman? Or maybe they are just connected.

Naramdaman kong kinalabit na ako ni Gyeong na gising na pala.

"Bumaba na tayo." sambit nito at tumayo na.

"Ano kaya ang nasa loob ng school na ito?" segunda naman ni Shin na papunta na sa pinto ng bus na sinabayan ni Gyeong. Tumingin ako sa direksiyon ni Min na nasa labas na pala.

IMPETUS (Book II of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon