Chapter 26: Playing the Momentum

615 15 0
                                    

***

Chapter 26: Playing the Momentum

"When you have momentum going, play the momentum."

                 – Donald Trump


May mga bagay na ayaw kong kalimutan pero may mga bagay din na ayaw kong tandaan pa. Sa kabila ng pagkalimot ko noon sa pagkawala ni mama, makakalimutan ko rin kaya kung paano nangyari ang lahat ng ito dahil sa isang kasalanan na nagawa nila Papa?

Hindi ko tantiya ang lahat pero isang bagay lang ang hindi ko dapat balewalain, paano ako gigising sa isang bangungot na sana hindi ko na lang hinayaan na lamunin nito ang aking sarili. Na sana nakinig na lang ako kay mama? Na tapusin ang pagiging Detective?

"Selene."

Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya tila umiikot ang aking mundo nang iminulat ko ang aking mga mata. Tanging puting liwanag lang ang aking nakikita kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Selene."

Inikot ko ang aking tingin hanggang sa tumapat ito sa lalaki na nasa aking harapan. Unti-unti ko ng nakikita ng maayos ang paligid maging siya na nakatingin sa akin ng seryoso.

"S-Selene." muli niyang sambit.

"Oh God, Charity anak!"

Nakaramdam ako ng pagyakap ni mama sa akin kaya gumanti rin ako ng yakap. Hinawakan nito ang aking pisngi nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.

"May masakit pa ba sa'yo anak?"

Ngumiti ako ng pilit at lumingo. Kahit masakit ang aking ulo ngayon pero ayaw kong ipakita ito sa kanya. Ayokong magiging dahilan na naman ito ng pagkalungkot ni mama.

Mas lumapit pa ito sa akin at lumingon sa direksiyon nila Duri at Min na nasa gilid ko pala.

"Sinabi nila sa akin ang nangyar

Lumingon itong muli sa akin.

-my God Charity! Paano na lang kung natuluyan ka?"

Lumingon ako sa direksiyon ni Min na nakatingin sa akin. Bigla akong nakaramdam ng init sa aking pisngi kaya agad akong napaiwas sa kanya. Min k-kissed me.

"H-Hindi ko naman po alam na y-yung k-kriminal na yun ang nasa loob ng t-taxi." nanghihina at utal-utal kong tugon.

She sighed.

"Please stop of being detective. And I'm hoping you don't have any connection of P. O. D this time so you can stop the troubles that will come to harm you." bulong nito pero alam kong narinig nila Duri ang sinabi nito.

Tumalikod ito at naglakad palabas ng kwarto kaya hindi na lang ako muling umimik pa. Naramdaman kong tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

In my peripheral view, lumapit si Duri sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Patawad Selene na hindi ko agad napansin ang lahat." mariin nitong sambit na may diin sa bawat salita.

"A-Akala ko m-mawawala ka na sa a-akin, s-sa amin." puna nito.

Lumingon ako sa kanya.

"Anong nangyari kay Coby?"

Bago pa man siya nakasagot ay tinabig siya ni Min kaya nanlaki ang mata nito.

IMPETUS (Book II of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon