Chapter 24: Under Starry Night

695 18 0
                                    

***

Chapter 24: Under Starry Night

"Life without dreaming, is a life without meaning."

                      – Unknown

Nasa 6th floor na ako nang naramdaman kong nahihilo ako kaya bigla akong napahawak sa pader. Aish. Due to my adrenaline rush na tatakbuhin lang ang building ay ngayon ko naman naramdaman ang lahat ng katangahang ginawa ko.

Ramdam na ramdam ko na rin ang pagtulo ng pawis sa aking pisngi papunta sa aking leeg.

Ipinikit ko ang aking mata at muli sanang maglakad nang biglang may humawak ng aking beywang. Napalingon ako rito.

"Min." bulong ko pero alam ko namang narinig niya ito.

Bigla kong naalala na hindi niya pala ako pinapansin kaya itinanggal ko ang kamay niya sa aking beywang.

Ano ba ang naging dahilan niya? Pinaglalaruan niya ba ako? Ewan! Di ko siya maintindihan at mabasa! Tsk.

Nagsimula na akong tumalikod at maglalakad na sana ulit nang bigla nitong hinawakan ang aking kamay kaya parang may kuryente na dumaloy sa aking kamay papunta sa buo kong katawan.

"An–

Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko nang biglang may mga narinig kaming estudyante na paakyat dito. Hinigit ko ang aking sarili kay Min at nakisabay rin sa mga tumakbo papuntang rooftop.

"Ano ba ang nangyari?" tanong ko sa babae na halos kasabay kong umakyat sa hagdan.

Tumingin ito sa akin. Ang kulay black nitong mata ang tumama sa aking mga mata. Hanggang sa tumingin ito sa aking uniform.

"Diba nanggaling ka sa Southville High? Ang sabi nila may exchange student raw ng SH ang isinabit sa pole ng rooftop." sagot nito at nagpatuloy na.

Bigla akong napatigil at gulat na napatingin sa kanya. 

Sino?

Muli akong naglakad, mas mabilis na hanggang sa narating ko ang rooftop.

Plane but there are 6 poles which is sa tingin ko ay 5 meters ang layo nila sa isa't-isa. Nasa likod ito na bahagi kaya hindi masyadong makikita sa harap kahit nasa malayo ka. May mga estudyante ang nakikisiksik sa isang pwesto na para bang gustong-gusto nila itong tignan.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Really Seung was not cool! They are beyond my expectations, the students itself.

Humugot ako ng maraming hangin sa aking katawan at tumakbo papunta sa kanila.

"Excuse me!" sigaw ko kaya bigla silang napalingon lahat sa akin.

Well, not everyone but yeah I still grabbed their attentions and it was a great opportunity to go with the man or girl they have talked to.

Hindi na ako muling umimik at tinulak ang dalawang babae na mismong nakaharang sa gustong tingnan ko.

"Hey!"

Angal nito pero inirapan ko lang siya hanggang sa tuluyan kong naaninag ang taong ito. Nakagapos ang paa nito at kamay. Ang bibig naman niya may panyo habang nakapiring ang mata. Hindi siya nakabitay sa pole ibig sabihin maaaring may kumuha doon sa kanya. Inisa-isa kong pinagmasdan ang pole hanggang sa napahinto ako sa isa na nasa huli, may bakas ito ng lubid.

Tama ang speculation ko. Maaaring may tumulong sa kanya. Hindi kaya si Darrell? Nung bigla siyang nawala? Pero imposible naman at sobrang bilis ng interval. May mas nauna pa ngang ilang estudyante sa kaniya.

IMPETUS (Book II of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon