Chapter 25: Collision

673 15 2
                                    

***

Chapter 25: Collision

"Our epoch is a time of tragic collision between matter and spirit and of the downfall of the purely material world view."

                    – Wassily Kandinsky


2nd day.

Pangalawang araw na namin sa West Philippine Academy at hanggang ngayon wala pa rin akong nakikitang Knights. Well, baka nga kagabi pero maaari ring mga murderers sila ng paaralan. Oh God, I had lost the chance. Min kasi.

"Miss Martin?"

Napalingon ako sa nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya pero siya yung huling guro kahapon na sinabihan ko na mag-eexcuse muna ako.

"Yes?" tanong ko.

"Can you tell the sorting hat song of Harry Potter?"

I smile. Yeah, ito nga pala ang topic niya. At gustong-gusto ko ang Harry Potter.

Tumayo ako at tinignan siya sa mata. Naramdaman ko rin na ang lahat na nakatingin sa akin, naghihintay sa sasabihin ko.

"Oh you may not think I'm pretty, but don't judge on what you see. I'll eat myself if you can find, a smarter hat than me. You can keep your bowlers black, your top hats sleek and tall, for I'm the Hogwarts Sorting Hat and I can cap them all. There's nothing hidden in your head, the Sorting Hat can't see. So try me on and I will tell you where you ought to b–

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang ipinataas ng guro ang kanan nitong kamay.

"You memorised it huh? Very good Miss Martin." nakangiti nitong turan kaya gumanti rin ako ng ngiti.

Napalingon ako sa direksiyon ni Min.

"Let's find out first what is really happening here."

Tama nga siya. Muli akong umupo at tinignan ang babaeng katabi ko. Ano kaya ang iniisip niya at sobrang seryoso ng mukha nito kaysa kay Min?

Iniwas ko na lang ang aking tingin at tumingin sa harap.

"So what is the first plan?" panimula ni Lin.

Nasa cafeteria kami ng school kasama ang grupo ko. While Min and his group? I don't know. They maybe preferred secret place. That was him.

"Kilalanin mo na natin ang mga estudyante dito, pagkatapos non dapat alam natin ang bawat sulok ng school." tugon ni Duri.

"Tama! Old student ka nga pala dito kaya alam na alam mo na." masiglang tugon ni Matthew.

Pinagmasdan ko si Matthew. Totoo ba talagang nagbago ka na Matt? I mean, you are with Sean or Voldemort. Kasama ka sa Idiosyncratic team noon.

"What do you think Selene?"

Napakurap ako at napalingon kay Nicolas.

"Tama si Duri. Ibig sabihin, it was an individual tasks." turan ko at nilantakan na ang binili kong cassava cake. Mas masarap ata ang cassava dito kaysa sa Southville.

"P-Pero Selene, hindi ba mahi–

Hindi na natapos ni Shin ang sasabihin nito nang sumingit si Lin.

"You know Shin, mas cool nga to eh diba? Wag kang mag-aalala hindi ito mahirap." mayabang at confident nitong sabi. Bigla namang napatawa si Matthew.

IMPETUS (Book II of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon