Chapter 3

3.1K 118 21
                                    



Nakaupo si Chanel sa kanyang kama habang hawak-hawak ang dalawang itim na bagwis sa kanyang kamay. Kanina pa niya ito tinitingnan at kanina pa siya nag-iisip tungkol dito. Hindi niya mawari kung ano ba ang gustong sabihin sa kanya ng aninong iyon. Hindi niya rin maintindihan kung sino ang lalaki sa kanyang panaginip at kung anong gustong makuha nito mula sa kanya. Hindi ito mawala-wala sa utak ni Chanel. Hindi ito tumigil, hindi ito nawala, at hindi niya ito matanggal sa kanyang isip.

If Illya was right, that this black feather was a sign of protection from her angel, then why she'd been suffering all this time? Nasaan sila nang bumukas ang third eye niya? Nasaan sila nang ginulo siya ng mga ligaw na kaluluwa? Nasaan sila nang mga panahong muntikan na siyang malagay sa peligro? Bakit nangyayari ito ngayon? Bakit ngayon lang ito nagparamdam at dumating? Bakit ngayon?

"Chanel..."

Tumaas ang tingin ni Chanel sa babaeng nagsalita. Nakita niya si Lenny na nakatayo sa kanyang harapan.

"Lenny... H-hindi ba tumalab 'yong pagpunta ko sa lamay mo? Hindi ba 'yon 'yong sagot?" Naguguluhan na si Chanel. Alam niyang hindi pa rin ito ang susi sa katahimikan ni Lenny, pero siya'y nagbabakasakali na kahit papaano ay tumalab ito. Ngunit kung ngayon ay nakikita niya ang dalaga, ano bang dapat niyang gawin para tuluyan nang makawala si Lenny sa bangungot na 'to?

Umiling sa kanya ang dalaga. "Ang tanging makakapagpatahimik sa akin, Chanel, ay kapag--kapag masiguro kong malayo ka na sa panganib."

Kumunot-noo siya. Bakit siya ang iniisip ng dalaga? At hindi ang sarili niya?

"Bakit ako? Sarili mo muna ang isipin mo, Lenny. Ilang araw ka nang namamalagi ditto. Hindi ba't masama 'yon para sa inyo?"

"You still have a time, Chanel. And I don't. Hindi na mahalaga kung ano ang mangyayari sa 'kin. Ang importante ay 'yong mga taong maliligtas pa natin. Sa loob ng isang buwan naghanap ako ng kasagutan, kung kasangkot ka ba, o katulad ka rin ba nila."

"Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan, Lenny. Sinong sila?"

Nakita niyang nahihirapan ang dalaga, pero ngayon ay makakaiba kay Lenny. Determinado ito.

"Kapag sinabi ko sa 'yo ang lahat, Chanel. Masisira itong buhay na kinalakihan mo. Ayokong mangyari 'yon, dahil alam ko kung ano ang pakiramdam nang hindi mo na makakasama pa ang mga mahal mo sa buhay. Pero-"

Lumapit si Lenny sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Hindi mo kailangan na magpatuloy sa ganitong huwad na pamumuhay. You deserve the truth, even if your smile shall be the sacrifice."

"What do you mean, Lenny?"

"Remember this, Chanel. Ano man ang mangyari, I will always be thankful that I've met you at my worst situation. You are an angel for me. You will always be."

"Lenny--" Akmang hahawakan ni Chanel ang kamay ng dalaga nang makitang unti-unti itong nawawala. Naging itim na usok ito katulad ng pagkawala ni Joshua.

IIsa lang ang pumasok sa utak ni Chanel. Mawawala na rin ng tuluyan si Lenny katulad ng pagkawala ng ibang kaluluwang hindi niya natulungan.

"No-- No--M-may oras pa ako, Lenny. I could find the culprit! Makikita ko-- Maliligtas pa ki--"

"You've done enough, Chanel. Naibigay mo na ang huli kong hiling sa Mama ko. Maraming salamat."

"Lenny--"

"Thank you, Chanel. Thank you."

Lenny's body slowly turned into a smoke until nothing was left. She saw her genuine smile for one last time. Gulat na gulat si Chanel sa nasaksihan. Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata habang nakatitig pa rin kung saan nakatayo si Lenny kanina. She knew it. She knew that there was a time limit for lost souls, yet she did nothing. She could've helped Lenny from the start, find whoever killed the poor girl, and let her soul rest in peace. She knew it was the last thing that Lenny wanted-- to find the suspect.

Descent to the UnderworldWhere stories live. Discover now