Prologue

49.4K 992 6
                                    

"E, wag ka ng umalis"nakasimangot na pakiusap sa kanya ng kaharap.

"Hindi kasi pwede Pen, sino ng titingin sakin kung hindi ako sasama sa mga magulang ko"nanghihinayang na sagot niya dito.

Nasa bahay kubo sila ng kalaro at kaklase niyang si Penelope. Nagpapaalam siya ngayon sa kababata niya na pupunta na siya sa Maynila at doon na mag-aaral.

Lilipat na kasi sila doon dahil kailangan na ng lolo niya ang tulong ng papa niya.

"Hindi mo na ba ako love?"

Bigla namang bumilis ang pintig ng puso niya sa tanong nito sa kanya. Matagal na kasi niyang crush si Penelope mula pa noong unang makilala niya ito. Kaya lang siya lang ang nakakaalam noon. Ang alam lang nito, mahal niya ito bilang nakababatang kapatid.

"Mahal, kaya lang Pen kailangan kong sundin sila Mommy"

Nang hahaba ang nguso na nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanya.

"Okay, sige punta ka na ng Manila. Pero wag mo akong kakalimutan ha"pagpayag nito at bilin.

Natutuwa namang pinisil niya ang pisngi nito.

"Opo, aling maliit"

..................

PARANG kailan lang nangyari ang pag uusap nilang iyon ng kababata niya. Pero lahat ng iyon alaala nalang para sa kanya.

Wala na din kasi siyang balita dito simula ng lumipat sila ng Manila. Inisip nalang niyang nakalimutan na din siya nito kaya naman binaon na niyang lahat sa limot.

"Hey fvckboy, anong ginagawa mo dito sa kaharian ko?"nakangising sita sa kanya ni Leigh.

Napataas naman ang kilay niya sa naging pagbati sa kanya nito.

"Nagsalita ang tunay na fvckboy"pang aasar niya dito.

Nasa Fortress sila ngayong dalawa, dito sila tumatambay ng mga kaibigan niya kapag hindi busy sa kani-kanilang mga negosyo. Pero ngayong gabi silang dalawa lang ni Leigh ang nandoon ngayon.

Si Lance busy sa love life nitong si Diwata. Kapag wala kasing ginagawa ang isang iyon umuuwi ng Nueva Ecija at dinadalaw ang nobya.

Samantalang si Rome naman, busy din sa asawa. Mantakin ba naman nilang biglaang nagpakasal ang isang iyon. Tatahi-tahimik at ang pakilala pa nito kay Jen ay PA un naman pala balak na itong asawahin ng kaibigan nila.

"So Ezikiel brother, wanna have some fun tonight?"nakakalokong ngumisi pa ito sa kanya.

Sa kanilang apat ito lang ang bukod tanging maloko talaga. Nahawa lang siya, paano ba naman sila lang madalas magkasama sa kalokohan. Si Lance kasi masyadong seryoso sa buhay, si Rome naman masyadong mabait sa buhay.

Sila lang ni Leigh ang nagkakasundo sa kalokohan pagdating sa mga babae.

Sasagot na sana siya pero naramdaman niya ang pagvibrate ng cellphone niyang nasa bulsa. Agad niya itong dinukot at sinagot ang tawag.

"Hello Tito handsome"masayang bati ng pamangkin niyang si
Choco.

Napangiti naman siya ng marinig ang matinis na boses ng pamangkin. Ito lang kasi ang kaisa isa niyang pamangkin sa kuya Emmanuel niya.

"Oh, Chocolate napatawag ka gabi na ah"sagot niya dito.

Napabungisngis siya ng marinig niya ang mahinang pag-ungol nito tanda ng pagkadisgusto sa pagtawag niya dito. Choco lang kasi ang pangalan nito pero he always calling her Chocolate as his way of endearment to his niece.

"Better go home tito handsome, I'm here at your condo. Daddy drop me here like a hot potato. You will baby sit me for two week, because daddy as always busy chasing my dearest mommy"sermon nito.

Muling namang napangisi siya sa paraan ng pagsasalita nito. For heaven's sake his niece is only six years old pero kung makapagsalita kala mo mas matanda pa sa kanila ng kuya niya.

Siguro maaga lang talagang magmature ang utak ng mga babae kaya naman ganoon magsalita ang pamangkin niya.

But on the contrary, naalala niya ganito din ang ugali ng mommy nitong si Sharmain. Feisty. Kaya like mother like daughter ang dalawa na ito.

"Okay my dear…pauwe na ako"

"Okay tito handsome...we will prepare something para tomorrow...ingat po"magiliw na bilin nito.

"What will gonna happen tomorrow"

Sumenyas na siya sa kaibigan na mauuwe na tinanguan lang nito.

"I'll introduce you to my new teacher"masayang sagot nito.

Napabuntong hininga naman siya bilang sagot dito. Hindi kasi ito ang unang beses na ginawa ito sa kanya ng pamangkin. Di na nga niya mabilang sa sobrang dami. But in the end pinagbigyan na naman niya ang pamangkin.

Wala naman siyang panalo sa batang iyon. Kaya why not just go with the flow nalang siya.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now