Twelve

16.6K 481 11
                                    

SIMULA ng sinabi ng big boss niya ang tungkol sa trabaho niyang naudlot na naipasa na sa iba hindi na siya tumigil sa kakaalam kung kanino ito ipinasa. Hindi na nga siya umaalis sa main office nila para malaman niya ito.

"Shadow"

Napaigtad pa siya sa narinig na tumawag sa kanya ngayon lang. kasalukuyan kasi siyang nagmamanman sa loob ng opisina ng big boss niya.

"Black"halos pabulong na niyang sagot.

Nakita naman niya ang pagngisi ng lalaki habang papalapit ito sa kanya. hindi naman siya kinakabahan sa maaring gawin nito sa kanya. kaya naman kasi niyang protektahan ang sarili niya sa lalaking ito. ang ipinangangamba lang niya baka kasi mabuking siya, ni hindi pa nga siya nakakapagsimula sa plano nila ng Auntie niya.

"Anong ginagawa mo dito wala naman si Big boss dito?"tanong nito sa kanya.

Napataas naman ang kilay niya ng lapitan siya nito at haplosin ang braso niya.

Alam niya ang ibig sabihin ng bawat haplos ng mga lalaki sa isang babae, at kinikilabutan siya sa paraan ng paghaplos nito sa kanya.

"May hinahanap lang ako na pwede kong magawa na mission, ang tagal ko na kasing bakante. Parang ayaw naman akong pagtrabahuhin ni Big boss"palusot niya.

Napangisi naman ang lalaki at lalo pa itong lumapit sa kanya, lalo naman siyang kinilabutan ng ilapit nito ang labi nito sa kanyang pisngi at halikan siya doon. Pero kahit na ganon hindi siya nagreact man lang at nagpasyang sakyan ang lalaki sa gusto nitong mangyari. Malaki ang maitutulong nito sa kanya kung magkakataon.

"Bakit hindi ka nalang sakin lumapit?, madami din naman akong alam na trabaho na galing kay big boss. Malaki pa ang kita ng ibibigay ko sayo"bulong nito sa kanya.

Napangisi naman siya, but more on napangiwi siya sa pagbulong nito. kinilabutan siya hindi sa kilig kundi sa pandidiri sa lalaking nasa tabi niya.

Hindi naman pangit ang lalaki, gwapo nga ito at macho. Pero hindi niya ito naging type o crush man lang kahit kailan. Matagal na niyang alam na gusto siya nito, dahil noong nagte-training palang siya nagpaparamdam na ito sa kanya.

"Black, bigyan mo naman ako ng trabaho...."nagpout pa siya para magmukha siyang cute sa lalaki.

Hindi naman siya nagkamali ng naisip niya dahil mukhang kinagat nito ang pagpapanggap niya.

Binigyan nga siya nito ng trabaho na madali lang pero malaki ang kinikita niya, halos hindi ito humihinto sa pagbibigay ng trabaho sa kanya na pinagkakaabalahan niya sa loob ng halos isang buwan.

Nawawalan na siya ng oras para sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa ipinalit sa kanya ng big boss niya. Hindi niya din alam kung buhay pa ba si Ezekiel at ang ama nito ngayon.

Kaya naman isang araw habang nasa kalagitnaan siya ng mission niya nagpasya siyang tumakas at puntahan si Ezekiel.

Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang okay naman ang binata. Bigla niya tuloy gustong tumakbo palapit dito para yakapin at halikan ito. sobrang miss na miss na niya ito, alam niya baka nagagalit sa kanya ang binata dahil na din sa pang-iiwan niya dito. Kahit pa alam na nito ang lahat ng tungkol sa kanya, hindi pa din naman niya magagawang idamay ito sa gulo niya.

"Anong ginagawa mo dito shadow?"napalingon naman siya sa likod niya ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon.

Hindi niya pinahalata ang pagkagulat niya ng makita kung sino ang taong nasa likod niya.

"Red?"tawag niya dito.

"Wag mong sabihin na aagawan mo na naman ako ng trabaho?"mataray na tanong nito sa kanya.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now