Eighteen

18.5K 498 9
                                    

"I TOLD you many times na handa akong gawin ang lahat, then why you leave me again!"pagalit na turan niya kay Pen.

Niyakap ito ng sobrang higpit na sa sobrang higpit alam niyang nasasaktan na niya ito. Pero hindi niya iyon pansin dahil sa takot lang din naman siyang mawala na naman sa paningin niya ito.

Tapos makikita na naman niya ito sa lunos-lunos na sitwasyon. Naalala pa niya noong makita niya si Pen na nakahiga sa hospital bed na halos wala na buhay.

"Pano niyo ako nahanap?"tanong sa kanya ni Pen.

Nilingon niya ang auntie nito maging ang ito napatingin din sa auntie nito. tingin pa lang alam naman niyang alam na nito ang sagot sa tanong niya.

"We don't have time for 'kamustahan' we better get going. Tapusin na natin itong trabaho na ito ng makapagbakasyon na tayo"maarteng singit ng Auntie nito.

Nakita niyang napangisi ang nobya niya sa nakita nilang dalawa na reaction ng auntie nito. parang kailan lang gaya ni Pen parang wala ng buhay ito kung titignan. Pero ngayon, kala mo isang kikay lang na teenager. Wala ng bakas ng tulalang babae na nawawala sa sariling katinuan nito.

Hinila na siya ni Pen palabas ng kwarto kung nasaan sila nagtatago.

"Fvck!"napamura siya ng madaplisan siya ng bala ng baril sa braso niya.

Nagkahiwalay din sila ni Pen dahil naitulak siya nito pabalik sa kwarto samantalang ito naman ay napagulong sa kabilang gawi ng hallway.

"Pen!"tawag niya dito sabay balibag ng isang baril dito.

Mabilis naman nitong nasapo ang baril, maliksi ang bawat kilos nito. kitang-kita na bihasa ang dalaga sa ganitong galawan. Naalala niya bigla si Lance at Rome, ganito din kaya ang experience na naranasan nila noon sa mga asawa ng mga ito.

Napapangiti nalang ako habang iniisip kung ano kaya ang inabot ng mga kaibigan niya noon sa mga experience ng mga ito noon.

"Focus E!"sigaw naman ni Pen sa kanya na nagpabalik sa ulirat niya.

Napamura siya ng makita muntikan ng tamaan ng bala si Pen dahil sa pagsigaw nito sa kanya. pero mas minumura niya ang sarili niya sa sobrang katangahan niya. nasa seryosong sitwasyon sila pero nagawa pa niyang magdaydream.

Sumilip siya sa labas nakita niyang madami pang lalaki ang paparating at parang hindi na nauubusan ang mga tao doon kahit na madami ng napatumba ni Pen. Kaya naman dinukot na naman niya ang ligther na dala niya. nagamit na niya kanina ang isa kaya isa nalang.

"Hey, easy kakagamit mo lang ng isa kanina. Save that for future usage, why don't you use your fountain pen mas maganda iyon"sigaw sa kanya ng auntie ni Pen.

Napatingin naman sa kanila si Pen habang nagsisitahan silang dalawa ng auntie nito. wala bang alam si Pen sa mga gadget na ito.

"Holy cow!"reaction niya ng makita ang resulta ng sinunod niya ang sinabi ng auntie ni Pen.

He just activated the pen and throws it to the crowd, napapantastikuhang napatitig siya sa mga nagsasayaw na mga tao habang hindi magkamayaw ang mga ito sa pag-iwas sa kung anong bagay na dahilan kung bakit para silang nagsasayaw.

Ang liit lang ng bagay na iyon pero ang laki ng epekto. Sa tingin niya nasa benteng katao ang nasa harapan nila na nakakaranas ng ibang epekto ng fountain pen ni Leigh.

Bigla tuloy niyang naisip na bibili din siya ng ganon sa kaibigan niya for future usage.

"E! san mo nakuha iyon?"manghang tanong sa kanya ni Pen.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now