Six

21.3K 641 11
                                    

MINASAHE niya ang batok niya ng makaramdam siya ng pangangalay sa leeg niya. napatingin na din siya sa wrist watch niya, ilang minuto nalang uwian na pala nila Choco.

Nasa tapat siya ng gate ng school ng pamangkin niya. susunduin niya ang pamangkin maging ang nobya niya. ang problema lang niya hindi sabay ang uwian ng dalawa.

"Tito Handsome!"narinig niyang sigaw ng pamangkin niya.

Nakababa kasi ang bintana sa gawi niya kaya narinig niya ang pagsigaw ng pamangkin niya.

Inilapag niya ang laptop niya sa tabi at bumaba ng sasakyan para salubungin ang pamangkin niya. lalong lumawak ang ngiti niya ng makitang kasama ng pamangkin niya si Pen. Kaya naman sinalubong niya din ito ng halik sa labi ang nobya niya.

"Ei!, Tito Handsome is great!"sigaw naman ng pamangkin niya.

Kaya naman ang plano niyang pagpapalalim ng halik niya kay Pen ay nauwi lang sa smack. Nakangiting ginolo niya ang buhok ng pamangkin niyang ikinasimangot naman nito.

"Tito!, stop messing with my hair will you!"angal nito at nagderetso na sa sasakyan niya.

"Choco, don't mess with my things in the car"babala niya sa pamangkin niya ng makita sa likod ng sasakyan ito sumakay.

Nandoon kasi lahat ng gamit niya at laptop niya doon kasi siya gumagawa kanina habang naghihintay.

"We will wait for you, and then we will eat our dinner together"baling naman niya kay Pen.

Pero napahanga naman siya ng masilayan niya kung paano mamula ang pisngi nito habang nakatitig sa kanyang mukha.

He was so amazed seeing his girl blush like this. Ang nakakapagpasaya pa sa puso niya ay siya ang dahilan ng pamumula nito ngayon.

Fvck, I'm so inlove with my princess.

"E, you don't have to kiss me like that in public"halos pabulong na sabi nito sa kanya.

Napakamot naman siya sa sarili niyang ulo sa sinabi nito. naalala niya teacher nga pala ang nobya niya sa school na ito, at alam niyang iniisip lang nito ang sasabihin ng iba sa nobya niya.

"I'am sorry, Princess. I just cant help it but to kiss your sweet lips"aniya.

Lalo naman itong namula at napayuko na ito sa sobrang pamumula.

"Okay, balik na ako sa loob"bulong na naman nito sa kanya.

Napangiti nalang siya habang naglalakad ito pabalik sa loob ng school. Siya naman ay napabalik na din sa loob ng sasakyan niya. tinabihan niya ang pamangkin niya sa likod ng sasakyan para ituloy ang ginagawa niya habang naghihintay sa uwian ni Pen.

"Choco!"hindik na tawag niya sa pamangkin niya ng makitang nagdo-drawing ito habang kumakanta pa.

Ang nakakatawa lang ang proposal na ilang araw niyang pinaghirapan ang ginawa nitong scratch paper para sa ginagawa nitong drawing.

Nilingon siya nito at nginitian ng pagkaganda ganda sabay pakita ng ginawa nito sa papel na hawak nito.

"Is it beautiful Tito Handsome?"tanong pa nito sa kanya.

Nanlulumo na napatingin pa siya sa ibang papel na nagkalat sa sahig ng sasakyan niya. may mga punit punit at lukot lukot na papel na doon. ang folder niya na hawak kanina na makapal ang laman ngayon halos kalahati na, ang bilis naman ng pamangkin niya sandali lang naman silang nagkausap ni Pen sa labas.

Agad niyang dinampot ang laptop niya, lalo siyang nanghina ng makitang nadelete ng pamangkin niya ang lahat ng ginagawa niya kanina. Sinubukan niyang irestore ang lahat pero wala talaga.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now