Eleven

17.9K 458 5
                                    


ITO ang pangalawang beses na nakatungtong siya sa main building ng kanilang samahan.

Sa unang tingin aakalain mong isang simpleng building lang ito na may business ng kung anu-anong kompanya. Pero ang totoo mayroon itong underground office kung saan naroroon ang mga tauhan ng kanilang organization. Doon din sa building na iyon hinahasa ang mga bagong recruited na membro.

"Shadow, what brings you here?"sita sa kanya ng isa sa mga kasamahan niya.

Tinapunan lang niya ito ng masamang tingin bago niya ito nilagpasan. Hindi naman niya kasi kailangan na magpaliwanag sa taong iyon. gaya niya isang hamak na agent lang din naman ito. kaibahan lang ito ang kanang kamay ng big boss nila.

"Mataray ka pa din"pahabol na sita nito sa kanya na hindi niya pinagtuunan ng pansin.

Nagderetso siya sa loob ng opisina ng big boss nila. Napataas pa ang kilay niya ng makita niyang kampante lang itong naglalaro ng mini golf nito sa loob ng opisina niya.

Her big boss, Miguel Dela Cuesta a.k.a. Big Boss. A 50 to 60 years old businessman in day time but underground assassin master for a decade now. Despite of his old age, hindi mahahalata na matanda na ito. matikas pa din kung titignan, hindi kababakasan ng katandaan ang buong pangangatawan.

"My favorite toy is here"nakangisi nitong sita sa kanya na hindi man lang siya tinapunan ng pansin nito.

Patuloy lang ito sa paglalaro ng golf nito habang siya ay papalapit dito.

Silang lang namang dalawa ang nandoon sa loob, kaya pwede niyang gawin ang mga balak niya. pero naisip niya para na din siyang magpapakamatay sa gagawin niyang iyon kung nagkataon. Puno ng tauhan nito ang buong building, baka kapag nagawa niya ang plano niyang pagpatay dito hindi pa man siya nakakalabas ng opisina nito bumulagta na din siya.

Napapaligiran siya ng magagaling na mamamatay tao na tulad niya. kaya alam niya suicide ang kalalabasan niya kapag ngayon niya ginawa ang plano niya.

"Big boss"tawag niya dito.

Parang wala naman itong narinig at patuloy pa din sa paglalaro nito. wala naman siyang nagawa kundi ang hintayin kung kailan ito matatapos sa pagpapaimportante nito ngayon.

"Have a sit"utos nito sa kanya ng Manawa siguro sa paglalaro.

Iginiya siya nito sa table nito di kalayuan sa pinaglalaruan nito. nang makaupo na sila agad siya nito tinitigan sa mukha niya na para bang kinakabisa ang buo niyang mukha.

"Mas lalo kang gumanda"maya'maya'y sita nito sa kanya.

Nakakalokong nakangisi ito sa kanya habang nakatitig ito at nakapatong ang baba sa pinagsalikop nitong mga kamay.

Nandidiri naman siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya, pero wala naman siyang magawa kundi ang pakatitigan din ito.

"You came here because of your assignment right?"simula nito na tinanguan lang niya.

"You can't do it"it's not a question it's a matter of fact statement from him.

"You cant do it, kasi ama siya ng lalaking tinatangi mo ngayon. You cant do it because you felt guilt by thinking that you will kill the father of the man you love"sabi pa nito habang nakangisi.

Tumayo pa ito at nagpalakad lakad ng pabalik-balik sa harap at likod niya. hindi naman siya nagsasalita. Basta nakikinig lang siya sa sasabihin nito sa kanya. nagpunta siya dito para makipagnegosasyon dito, at hihintayin muna niya kung ano ang ibang pwedeng ioffer nito sa kanya ngayon.

"Answer me my dearest shadow"bulong nito sa likod ng tenga niya.

Naramdaman pa niya ang pagpisil nito sa kanyang balikat maging ang pag-ihip nito sa kanyang tenga na kala mo inaakit siya.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora