Eight

19K 526 9
                                    

Kanina pa niya hinihintay si Pen sa labas ng school kung saan ito nagta-trabaho. Sinundo niya ito kanina sa apartment nito pero hindi niya naabutan ang dalaga doon.

Tinatawagan din niya ito kanina pa pero hindi din siya nito sinasagot.

Mula ng ihatid niya ito noong isang araw na sa bahay ng mga magulang niya sila natulog hindi na niya nakausap pa. kapag pinupuntahan niya ito sa apartment nito palaging wala na ito doon.

"C'mon Pincess answer your phone"kausap niya sa cellphone niya.

Uwian na din kasi, halos lahat ng mga teacher nakita na niyang lumabas na ng gate pero hindi pa din niya nakikita si Penelope.

Kaya naman naglakas loob na siyang bumaba ng sasakyan niya at harangin ang mga teacher na naglalakad.

"Excuse me, tatanong lang sana ako kung nandoon pa bas a loob si Teacher Pen?"magalang na tanong niya sa mga ito.

"Naku hindi siya pumasok ngayon, may sakit daw"sagot naman ng isang teacher na kausap niya.

Nag-aalala naman siyang nagpasalamat at nagpaalam sa mga ito. bumalik siya sa apartment ni Pen para kompirmahin kung ano ba talaga ang lagay ng nobya niya.

Pero bagsak ang balikat niya ng walang tao siyang nadatnan doon.

"Damn it!"mura niya.

Wala naman siyang maalalang nagawa niyang mali sa dalaga kaya hindi niya alam ang dahilan nito ngayon at hindi siya nito kinakausap.

Hindi pa naman sila ganon katagal ni Pen kaya wala pa siyang ibang alam pagdating sa dalaga.

Gusto niyang magmura sa sobrang inis niya. pinaghahampas na nga niya ang manibela niya sa sobrang inis niya sa sarili niya. may ilang araw na silang magkasama ni Pen, hindi man lang niya naisip na alamin ang mga importanteng bagay tungkol dito.

Nang mapagod siya sa pagwawala niya sumandal nalang siya ng pagkakaupo at ipinikit ang mata niya. nasa labas lang siya ng apartment ni Pen, hihintayin niya ito ngayon kahit na anong mangyari hindi siya aalis ng hindi niya nakakausap ang dalaga.

LAHAT ng mga trabaho ng mga kaibigan niyang kasama sa pagiging hired killer kinuha niya para naman mapunta sa iba ang trabaho na ibinigay sa kanya ng big boss nila. Sinisigurado niyang nakikita ng big boss nila ang ginagawa niya para bawiin na sa kanya ang trabaho.

Pero kahit na ganon wala pa din siyang natatanggap na kahit na anong sulat mula sa boss nila.

"Shadow"tawag sa kanya ng isa sa mga kasama niya.

Nilingon niya ito at inismiran lang niya ito.

May lakad sila ngayon, pangatlong lakad na niya ito ngayon na alam niyang hindi alam ng big boss niya.

"Bakit ba nagmamadali kang matapos ang trabaho na ito?"tanong sa kanya nito.

"Gusto ko ng umuwi"simpleng sagot niya.

Nasa isang hotel sila ngayon at nagpapanggap silang chamber maid, papunta na sila ngayon sa target nila. Isang kilalang business man pero may lihim na underground business. Drugs.

Ang mga target nila ay mga halang ang kaluluwa na pinapatumba ng mga nasa gobyerno din naman. Pero dahil wala naman sa batas ang lakad nila, mali pa din ang ginagawa nila.

"Bakit naman kasi nakikisiksik ka pa sakin? May trabaho ka naman na bukod"angal ng kasama niya.

"Red ang ingay mo"pagsusungit niya dito.

Inirapan lang siya nito bago sila naghiwalay na dalawa, siya pumasok sa isang kwarto at ang isa naman ay sa elevator.

Usapan na nilang dalawa na siya ang kikilos, at ito naman ang bahala sa pagtakas nila kung sakaling mahuli silang dalawa.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now