One

34.3K 964 9
                                    

One

"I'm telling you Tito Handsome, my new teacher is so pretty" pagbibida sa kanya ni Choco.

Nasa biyahe sila ngayon para ihatid niya ang pamangkin niya sa school nito. kakatransfer lang nito sa bago nito eskwelahan nito. at ang bago nitong guro ang ibinibida nito ngayon sa kanya. pang ilang beses na nitong paulit ulit na ikinukwento ang bago nitong teacher.

Hindi na nagsawa ang pamangkin niya sa paggiging cupid niya at panay ang reto nito sa kanya ng mga dalagang teacher nito.

"Why don't you introduce your new teacher to your dad"aniya dito na hindi ito makuhang tingnan man lang.

Alam niyang panay ang irap nito sa kanya. Ayaw nitong mainvolve ang daddy nito sa ibang babae bukod sa nanay lang daw nito. Kaya naman natatawa siya sa pamingkin niya ngayon na mukhang napikon na naman niya.

"How many times do I have to tell you Tito Handsome that is ONLY for my MOMMY not any other girls"pagtataray na naman nito.

Napapailing nalang siya sa pamangkin niyang ito ilang beses na ba siyang nasermunan nito. daig pa ang mommy nila ng kuya niya sa kasungitan ang batang ito.

"Okay, I'm sorry"nakangiti niyang sagot dito.

"Basta mamaya kapag nameet mo na si Cher Pretty be nice to her okay" bilin nito sa kanya.

"Yes ma'am"sumaludo pa siya dito bilang pang-aasar sa pamangkin.

Buong biyahe nilang dalawa hindi na tumigil pa ang pamangkin niya sa kakakwento sa teacher nito. siya naman panay lang ang tango niya at sagot ng okay sa pamangkin. Hindi naman niya gusto na madisappoint ang bata kaya naman sinang-ayunan nalang niya ito.

Nasa gate na sila ng school nito ng tumawag naman sa kanya ang secretary niya.

"Yes Leah?"

"Sir just to inform you have an early meeting today"paalala nito.

Napapikit naman siya ng maalala ang meeting niya, tiningnan pa niya ang relo niya. quarter to eight ang sabi sa orasan niya, at ang alam niya 8 am ang meeting niya kaya male-late siya tiyak iyon dahil nasa eskwelahan pa siya ng pamangkin niya.

"Okay I'll be late for about ten to fifteen minute Leah, hinatid ko pa kasi ang pamangkin ko"iyon lang sinabi niya bago niya tinapos ang tawag.

Tiningnan niya ang pamangkin niyang hinihintay pala siya na ihatid niya ito hanggang sa classroom nito. tingnan niya ito with apologetic face, kaya naman napatirik nalang ang mata nito sa kanya bago siya nito tinalikuran at nagsimula ng pumasok sa loob ng eskwelahan nito na hindi siya kasama.

"Promise Choco I'll be the one who will pick you after school"habol niya sa pamangkin na itinaas lang ang dalawa nitong kamay na hindi na siya tinapunan pa ng pansin.

Napangiti nalang siya dahil alam niyang naintindihan na siya nito. gaya nga ng palagi niyang sinasabi Aling Maliit kasi ito kaya matured mag-isip kahit pa six years old lang ito.

Nagmadali na siya sa pagpunta sa opisina niya para naman hindi na siya masyadong malate sa meeting niya.

_________________

Buong maghapon ang dami niyang trabahong kailangan na tapusin. Ilang blue print pa din ang kailangan niyang ireview para lang hindi siya magahol sa oras para sa construction ng iba't ibang project na hawak ng construction firm niya.

Well sa bata edad mayroon na siyang malaking construction firm hindi lang sa manila kundi all over the country at maging sa neighboring country ay meron din siya. Namana niya ang ilan sa tatay niya na napalago naman niya sa maikling panahon lang.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now