Three

31.8K 706 13
                                    

    Three

"Tito handsome!"frustrated is all over Choco's face.

Napapabungisngis naman siya sa itsura ng pamangkin niya, kasalanan ba niyang hindi siya marunong magpony ng buhok ng bata.

Para kasing sinabunutan ang pamangkin niya sa ginawa niyang pagtirintas ng buhok nito.

Sinabi naman niyang hindi siya marunong mag-ayos ng buhok pinilit pa din nito. hindi naman siya kagaya ng kapatid niyang marunong sa ganitong bagay.

"What, ang ganda kaya"painosente niyang sagot.

Nagta-tantrums na ito habang nasa biyahe sila, hindi kasi nito tiningnan ang ginawa niya kanina. Kaya naman ngayon lang nito nakita ang ginawa niya sa buhok nito kaya ngayon lang ito nagre-react nasa biyahe na sila ngayon papuntang school nito.

"I look like a witch Tito handsome"reklamo na naman nito.

Doon na siya tuluyan na natawa sa sinabi nito sa kanya. nanghahaba naman ang nguso na tiningnan siya nito sabay irap nito sa kanya na kulang nalang magdikit na ang kilay nito sa pagkunot ng noo nito.

"Chocolate, maganda ka kahit ganyan ang buhok mo. You're a Turner remember, pamangkin kita kaya naman maganda ka"pagkukumbinsi niya dito.

Pero wa effect, hindi nagbago ang mood nito sa kanya kahit na ganoon na ang sinabi niya.

Hanggang sa makarating sila sa school nito nakasimangot pa din ito sa kanya kaya naman kinarga na niya ito. buti nalang hindi mabigat ang bag nito kaya naman hindi siya nahirapan na dalin ang gamit nito.

"Hi, Choco"pakiramdam niya nastock siya sa kinatatayuan niya ng marinig niya ang boses na iyon.

Dahan dahan pa siyang napalingon sa likod niya para hanapin ang pinaggalingan ng boses na iyon. hanggang sa makita niya ang babaeng may-ari ng boses na iyon. she's effortlessly beautiful in his eyes kahit na nakatayo lang ito sa harapan niya ngayon.

"Teacher Pen"masayang banti ng pamangkin niya.

Buti nalang nagsalita ang pamangkin niya kundi nakatulala nalang siya doon at wala ng nagawa. Nagpababa sa kanya si Choco at tumakbo papunta sa teacher nito.

"Why your hair likes that?"nakangiting tanong ng dalaga sa pamangkin niya.

"My Tito handsome did this po, teacher"nakasimangot na sagot ng bata.

Mahinhin naman na nagtakip ng bibig ang dalaga bago ito mabining tumawa.

What a good start for my tiring whole day.

"You're tito handsome is a guy that's why"sabi pa ng dalaga.

"But why my dad, teacher Pen. He is a guy too but he knows how to braided my hair"angal naman ng magaling niyang pamangkin.

"Choco, you tito doesn't have a baby yet unlike your daddy baby ka niya kaya alam niya magfix ng hair"paliwanag na naman ni Penelope.

Nakasimangot naman na tinignan siya ng pamangkin sabay irap nito sa kanya ng hawakan na nito ang kamay ng teacher nito. nahihiya naman na napakamot siya sa sarili niyang ulo habang nakatitig sa dalawa na masayang nag-uusap.

"Hi E"baling naman sa kanya ni Penelope.

"Hi Pen"ganting bati niya dito.

Nanlaki naman ang mata ng pamangkin niya sa nakita nitong batian nila ng dalaga. Hindi pa nga pala alam nito na magkakilala sila ng teacher nito.

"Kilala mo po ang Tito Handsome ko Teacher Pen?"manghang tanong ng bata sa dalaga.

Kiming tumango naman ang dalaga sa pamangkin niya.

GENTLEMAN'S QUEEN #3: PENELOPEWhere stories live. Discover now