RPW - TWO IN ONE

2.8K 70 13
                                    

Trixie POV

Pagkapasok na pagkapasok namin sa school. Naghiwalay kaagad kame ni Kuya Matt. Sabi niya kase gusto niyang mauna sa room nila para hindi daw siya pagtinginan. Ang hangin nga eh, baka daw mafall sa kanya yung mga girls. Which is true. Ang gwapo kaya talaga ni Kuya Matt.

Ako naman. Ayun diretso sa canteen at bumili ng stik-o bago umakyat sa room. Ewan ko ba at sinapian yata ako. Gumamit ba naman ako ng stairs paakyat sa room namin. 6th floor pa naman din yun.

Isang hakbang nalang Trixie. Nasa 6th floor ka na

Bulong ko sa sarili ko. Pagka apak na pagka apak ko sa 6th floor. Ay napabend ako at napa hawak sa mga tuhod ko. Grabe.. Nanginginig na mga paa ko. Hingal na hingal ako. Ewan ko ba, para akong tanga na naglalakad tapos nakahawak sa wall at sa dibdib ko. Pagod na pagod na talaga ako. Yung tipong ayaw ko na maglakad.

"Trrriixxx"

Napatingin ako sa side ko ng marinig ko si Flo. Oo nga pala. Hindi na pala kame magkaklase. Kaiyak naman.. Bakit kase ang talino ng babaitang toh. Naging 2nd section kase siya. Ako naman pang 3rd. Para sa akin medyo okay na yun kase all in all 18 sections kame sa Grade 10.

Niyakap ko si Flo. At ayun imbis na sa room ko ako tumuloy, sa room nila ako unang pumasok at nagkwento. Kinwento ko rin sa kanya yung about kay Kuya Matt. Kilig na kilig nga siya eh. Gusto niya daw mameet si Kuya Matt.  Tinanong ko sakanya bakit siya kinikilig eh magkapatid lang kame. Kahit na daw, nagka rs pa rin daw kame noon kaya ganun.

Jusko. Biglang sumagi sa utak ko si Hannah. Malamang at sa malamang papagalitan ako nun  kapag nalaman niya na close na kame ni Kuya Matt.

"Hindi pa ba nanganganak si Tita Yas?"

"Nanganak na siya." Masigla kong sabi. "Kanina lang 4:00 ng madaling araw. Kaso baka sa Friday palang sila makauwe"

"Amazing. Im so excited na makita yung baby"

"Ako din Excited na"

Mas gusto ko sa dito sa room nila kase mas marami mga kakilala ko dito. Halos lahat kase ng mga kaklase ko last year napunta dito sa 2nd section.  Napang iwanan ako. Pero medyo ok lang din naman kase kasama ko si Hannah. Hindi pa rin ako nag-iisa.

Halos 15 minutes nalang ang natitira bago magstart yung klase kaya pumunta na ako sa room namin. Kung malalasin nga lang wala pa yung mga kakilala ko. Halos bagong mukha para sa akin. May transferee din yata kase may nakita akong naka outside dress.

Tagal naman kase ni Hannah eh. Late na naman yata natulog. Psshh buong magdamag na naman siguro sila magkachat ni Warren. Haha... Kinikilig ako sa kanila, ewan ko ba kay Hannah bakit hindi siya kinikilig sa mga effort at mga damoves ni Warren sa kanya.

May pumasok na lalake, naka jogging pants. Mukhang PE teacher pa yata ang adviser namin ah.

"Stand let us pray"

Bakit parang medyo may awra. Para siyang masungit, strict ganun. Kung titignan mo ang itsura niya mukha siya nasa 50's. 55 ganun?  After mag pray umupo na kaagad kame. Sakto at kakarating ni Hannah. Late siyang dumating, ayan tuloy sa harap siya.

Nagsulat sa board si sir.

Mr. Reynaldo Vicente II

Malamang name niya yan. Hindi na dapat pa akong magtaka.

"I am Mr Reynaldo Vicente II but you can call me Sir Vi or Daddy Vi. I am your Mapeh teacher and at the same time your Classroom adviser. So if you have any problems or anything dont hesitate to ask and talk to me. But before that I will call your name and you have to state you full name, nickname, and tell us about yourself. So let's start. Ms. Adriana Andres"

It's Just RPWWhere stories live. Discover now