Hindi na ilang sila Hannah kay Ken. Actually close na din sila. Kaso syempre kuya ang tawag nila sakanya. Nandito kame ngayon sa may Mcdo. Malapit lang 'to sa school namin. Sa may kabilang kanto lang. Mabilis naman kame nakapunta dun dahil naka-sasakyan kame, gamit namin yung car ni Ken.
Alam na din nila Hannah at Flo ang panliligaw ni Ken. At umokay naman si Flo, si Hannah, medyo palang.
"Trix ang tahimik mo?" Tumingin ako kay Ken at nginitian lang siya. Hindi ko pa nakakausap sila Hannah about sa nanyare kagabi. Pero kahit pa paano sineen ko lang siya. Pero kumukirot ang puso ko at sumasakit ang ulo ko kapag inaalala ko yun. Akala ko wala ng sakit pero andito pa rin pala. Since alam naman ni Ken yung about sa akin dahil nakapag-open ako about dun. Sasabihin ko na ngayon, hindi ko kase kayang ihandle. Baka magbreak down na naman ako. Ayaw ko ng maulit yung dati.
"Guys.. Kagabi kase..."
Pag-uumpisa ko. Tinakpan ko yung mukha ko gamit ang kamay ko. Pinunasan ko ang luha ko.
"Ah ano ba yan" Pinaypayan ko yung mukha ko dahil feeling ko anytime mag-cocollapse ako. OA ko right? Pero ganun kase talaga kalala ang impact ng pakikipag relasyon ko sa rp. "Si.. Si Chen kase bumalik siya... And he wants to talk to me. I don't know what to do. I thought I'm okay. Akala ko kahit bumalik siya hindi na ako masasaktan, pero... bakit may sakit pa din" Iyak lang ako ng iyak.
"You say what? Bumalik si Chen" Tumingin ako kay Ken at parang uminit ang ulo niya. Possible kaya na siya talaga si Chen. Humarap ako sa kanya at tinignan mabuti ang mukha niya. Malabong maging siya iyon. Kilala ko si Ken at hindi niya magagawang lokohin o paglaruan ako. Tumango ako.
Nagulat ako sa pagbabago ng mukha niya. Parang gusto niyang manuntok. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito.
"Ken..." hinawakan ko ang kamay niya dahil naka close fist na siya.
"I seen mo lang siya. O kaya ako ng bahala. Marami aking rp acc.. I can immediately report him" Singit ni Hannah.
"Aww bebi sorry wala akong matutulong diyan. You know naman na, na I dont know rp eh. Sorry talaga bebi..pero dont worry. Im always here. Ano bang sabi." Sabi ni Flo. Nakapout siya. Halatang malungkot din siya dahil duon.
"He said that mahal niya pa a--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang sinuntok ng malakas ni Ken yung table. Hinawakan ko ang kamay niya at nagdudugo na. Kinuha ko kaagad yung panyo ko at pinalupot sa kamay niya. "Ken.. calm down"
"How can I calm down kung may karibal na ako. At parang alam ko na talo ako pag dating sa kanya"
Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Parang may biglang sumagi sa utak ko. Ang tanga ko. Narealize ko na manliligaw ko nga pala siya at hindi tama na iopen ko sakanya iyon. Dahil masakit para sa kanya. Ang tanga ko. Masyado akong naging comfortable as him being my bestfriend not my suitor. Im so selfish.
"I'm sorry..." wika nito. Nanahimik ako... Tinignan ko lang siya.
"Ah? Haha bebi Trix? Una na pala kame ni Hannah. May pupuntahan pa kame" sabi ni Flo at binitbit ang mcfloat at fries nila saka lumabas.
"Im sorry Ken. I didn't mean na..."
"Wala yon. Sorry din..." malungkot pa din ang mga mata niya..
"Anong gusto mo Ken? Nuod tayo sa sine? Movie marathon sa bahay?" Pagla-lighten up ko ng mood namin. Ngumiti siya pero bakas pa rin sakanya ang kalungkutan. Pinisil niya ang pisngi ko.
"Sine nalang tayo. Para maiba." Sabi niya. Tatayo na sana kame ng biglang may umupo sa harap namin.
"Oh? Ken? Aalis na nga kayo? Hindi mo man lang ako ipapakilala sa girl na kasama mo?" Tumingin ako dun sa girl. At nakataas ang kilay niya sa akin. Seriously? Anong problema ng Lovely na 'to.
YOU ARE READING
It's Just RPW
Teen FictionFor Rp only Teen Fiction - Drama First Chapter: September 10, 2017 Last chapter: March 26, 2018 Completed