RPW - WEDDING DAY

1.6K 47 5
                                    

TRIXIE POV

Ako muna yung nagbabantay kay baby Czarina habang inaayusan si mommy. Tapos magpipictorial pa siya. Tapos na rin naman ako ayusan kaya sinamahan kong magbantay si yaya. Hawak hawak ko yung kamay niya at tawa siya ng tawa sa akin. Awwiee gusto ako ng kapatid ko. Nakakawala talaga ng problema kapag nakikita ko si baby..

Nagtext sa akin si Ken na nasa lobby daw siya. Nagreply ako at sinabi ko na akyat siya dito sa taas. After ng ilang minutes may nag door bell na. Binuksan ni yaya yung pinto.

Pumunta siya sa akin at kiniss ako sa cheeks.

"Belated happy 4th monthsary ulit girlfriend ko"

Ngumiti ako sa kanya.

"Belated happy 4th monthsary boyfriend"

Ewan ko pero parang nasanay na ako na ganito tawagan namin. Kinikilig ako haha.

"Si Matt asan?" Tanong niya sa akin. Tinuro ko yung room.

"Andun. Nagba-vlog yata" kibit balikat kong sagot. Tumango siya at naglakad papunta sa room na tinuro ko.

After ng picture taking nauna na kame nila Ken at kuya Matt sa simbahan kasama si baby Czarina at yung yaya niya.

"Kuya Matt ang sama yata ng timpla ng mukha mo?" Pagbibiro ko. Kanina pa kase siya walang imik. Feeling ko tuloy problemado na naman

"Wala... Hindi.." cold niyang sabi.

"Okay" sabi ko nalang at tinuon ang pamsin sa mga dinadaanan namin.

Nauna nang pumasok yung yaya ni baby at pinadala ko muna siya dito. Sinabihan ko din na mauna ng pumasok si Ken. Sinundan ko si Kuya Matt hanggang sa makarating siya sa likod ng simbahan.

Napa - wow ako kase ang linis at para siyang paradise. Dahan dahan akong lumapit kay Kuya Matt at umupo sa tabi niya. Nabigla nalang ako ng may mapansin ako na luha na pumatak sa mata niya. Pinunasan kaagad niya ito.

"Kuya Matt? Okay ka lang?" Malungkot kong sabi. Diretso lang ang tingin niya at parang wala man lang siyang narinig sa sinabi ko. Niyakap ko siya... "Sana makatulong ang yakap na 'to kuya.. para mabawasan kung ano man yang dinadala mong pasanin. Basta kuya kagay ng sabi ko sayo.. andito lang kame ni Ken. Handang makinig sayo."

"Trix.." Humarap ako sa kanya. Kiniss niya ako sa cheeks. Nanlaki ang mata ko. Nginitian niya ako. "Kiss para sa kapatid ko... after 1 hour and 30 minutes.. magkapatid na tayo by law... wala ng makakapigil duon. Wala ng magbabago.. kapatid kita" sumeryeso ang mukha ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Ano bang pinagsasabi mo kuya?"

"Wala naman. Madrama lang talaga ako" Ngumiti siya pero halatang pilit. Kinuha niya ang ulo ko at sinandal sa balikat niya.  "Pwedeng ganito muna tayo? Kahit 10 minutes lang" tumango ako. Hindi ko alam pero may kakaibang awra talaga ngayon si Kuya Matt. Hindi ko maexplain pero parang may something siyang tinatago.

"10 minutes na. Tara na" sabi nito at hinila niya ako pabalik. Tahimik lang siyang naglalakad habang nakapamulsa. Tinitigan ko lang ang likod niya.

"Girlfriend" Napatingin ako at nandito na pala kame sa gilid ng simbahan. Nilapitan ko siya at niyakap. "Oh anong napag-usapan niyo?" Hindi ako sumagot at niyakap lang siya. Kahit patpatin lang 'tong boyfriend ko ang sarap yakapin.

"Pasok na tayo girlfriend.. marami ng tao at baka parating na si tita yas" Tumango ako at pumasok na kame sa simbahan. Umupo muna kame habang hindi pa ako tinatawag.

It's Just RPWWhere stories live. Discover now