RPW - PUNCH

1.4K 47 4
                                    

Trixie POV

Tahimik lang kameng kumakain ng dinner ni Ken kasama mga kabarkada niya at si Carson. Sila sila lang ang nag-uusap na para bang wala kame dito. So siya pala si Carson... Medyo malayo ang mukha nila pero magkahawig ang mga mata nila.

"Trixie? Buti pala sinagot mo 'tong mokong na 'to. Anong pinakain niya sayo a?" Pagbibiro ng Carson at tinuro pa si Ken na para bang close sila. "Akalain mo nga naman noh. Makakaharap ko pala si Jagiya mo tol." Sabi naman nito kay Kuya Matthew. Ngumiti at umiling naman si Kuya Matthew. Hindi na ako komportable.

"Hanggang ngayon playing pahard to get pa" Sinamaan ko ng tingin si Kuya Matthew. The hell? Ako ba sinasabihan niyang pahard to get? Aba sumosobra na siya ah. Hinawakan ako ni Ken na para bang sinasabi na konting pasensya pa.

"You know what Trixie. Your a little bit stupid para hindi balikan si Matt"

"O really? Pero parang I'm such a stupid kung makikipag relasyon ako sa kapatid ko? And.. Carson. Better watch your words... Nasa pamamahay kita at kayang kaya kitang palaya---"

"Trix..." nanahimik nalang ako ng hawakan ng mahigpit ni Ken ang kamay ko at parang sinasabi ng boses niya na wag na akong magsalita.

"I'm just saying... Tsaka hindi mo ba siya kayang patawarin? Lahat ng tao may tinatagong baho." Tumingin siya kay Ken at ngumisi. Sinisiraan niya ba si Ken sa akin? Well, sorry sila. Masyadong malaki ang tiwala ko sa boyfriend ko at alam kong tapat siya sa akin.

"Alam niyo mga dude. Magandang mag-inuman ngayon." biglang singit ni Kuya Kyle. Ngumiti ako sa kanya dahil feel ko naman na humaharang siya sa away na nagaganap.

"Sige ba... Sama ba kayo?" Tanong ni Carson sa amin. Bigla naman siyang nagulat na para bang may naalala "Pa-GOOD BOY ka pala ngayon. Tol. Wag masyadong pasikat ah. Ikababagsak mo yan" wika nito at umalis. Ano bang problema ng Carson na yun? Sobrang magkaiba ugali nila ni Ken. Tss. Kasira naman ng araw.

"Sorry Trix" sabi nila Kuya Justin at Kuya Kyle. Tinignan ko si Kuya Matthew pero kaagad siyang nag-iwas ng tingin.

"Hayaan mo nalang Trix" niligpit ko pinagkainan nila at nilagay sa kusina. Si yaya nalang daw kase ang maghuhugas. "Uy.. girlfriend. Bakit ba nanahimik ka dyan. Hayaan mo nalang kase" Wala talaga ako sa mood na magsalita ngayon. Hindi ko talaga expect na ganun kasama ugali ng lalake na yun.

Hinila niya ako at hinarap sa kanya. Kinurot niya yung ilong ko.

"Ngiti ka na girlfriend. Sige ka hahalik--"

"HA HA HA HA ayan na boyfriend tumatawa na ako HA HA HA"  Natawa siya sa ginawa ko kaya pati ako natawa na din. Kiniss niya yung noo ko.

"Kahit anong manyare girlfriend... Wag mo akong iiwan" Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sus. Ang boyfriend ko naglalambing na naman. Opo hinding hindi kita iiwan Ken"

"Ang sweet naman ng lovebirds namin" Napatingin ako kay Mom. Tumakbo ako papunta sa kanya at nagbless saka nakipagbeso. Sakto naman  pumasok si Dad. Medyo nabigla pa nga yata na nandito ako.

"My princess" sabi ni dad at niyakap ako ng mahigpit saka kinisd ang buhok ko. "Miss ka ni Daddy, Trix... Buti bumisita ka dito?" Tumingin ako kay mom at parang bigla siyang nasad. Nginitian ko sila.

"Magstay na ako ulit dito dad. Tapos na bakasyon ko dun kila Kuya Evan. Hehe. Miss ko na din kayo Dad."

"Si Kuya Matt mo ba naabutan mo?"

"Opo. Kaso lumabas sila kasama kabarkada niya. Nag-inuman sila. Welcome party nung Carson" nakasimangot kong sabi.

"Si Carson nak?" Ulit ni mom at tumingim kay Ken. Napatingin din ako kay Ken. Ngumiti siya.

It's Just RPWWhere stories live. Discover now