RPW - PLAN

1.6K 53 8
                                    

TRIXIE POV

Mag-isa lang akong uuwe ngayon. Kakapasok palang kase ni Ken sa school. Pang afternoon siya. Ang  bilis ng araw at birthday ko na nga sa susunod na sabado. Naglalakad ako at papasok na sana ako ng bahay ng may naramdaman akong nagva-vibrate. Kinuha ko kaagad yung cellphone ko

Rpw.NakNana calling...

Huh? Buti naisipan akong tawagan nito. Namiss ko na din tong anak anakan ko eh. Sinagot ko yun at isang malakas na tili ang binungad niya sa akin

[Good afternoon naaaayyyy!]

Nilayo ko ang phone ko ng bahagya at ngumiti. Umupo muna ako sa bench ng garden namin tutal wala naman ng masyadong sikat ng araw

"Good Afternoon nak. Napatawag? Miss mo na ako noh?"

Pagbibiro ko.

[Nay? Kamusta na kayo ni tatay? Ayos na ba kayo?]

Natigilan ako ng itanong niya sa akin yan. Oo nga pala. Ang sabi ko lang sakanya na LQ kame ni Chen. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang magsalita

[Namimiss ko na kayo. Gumawa ako ng gc, nay. Sana magkasama sama ulit tayo]

"Nana..."

[Nay! Please... lagpas ng 1 year ng maging kayo. At pumapayag na ako na magkaroon ulit ako ng kapatid. Ako ng haha--]

"Nana pakinggan mo mu-"

[Asahan ko na mag-ol ka maya maya nay ah. Kapag nagkaroon ako ng kapatid. Ako na ang pinakasaya na anak sa rp]

"Nak naman"

[Bye na nay.Promise mo na bibigyan mo ako ng kapatid ah. I love you nay]

Lumunok ako.

"Okay.. Bye nak.. I love you too."

Napatulala ako. No... tinignan ko ang phone ko.. Nana.. bakit ngayon pa... Umakyat ako sa taas at sinilip muna sila mommy at si Czarina... natutulog sila.

Pumasok ako sa kwarto ko at naghilamos. Nagsuot ako ng tshirt at mini skirt tapos umupo ako sa desk kung nasan ang laptop ko. Binuksan ko iyon at nag-login ako sa rp ko. Binuksan ko yung ginawa ni Nana na gc. Nakaol siya. Pero hindi ko alam kung nakaol din ba si Chen.

In-unblock ko muna si Chen para makita ko kung ano na napag-usapan nila sa gc. Mga 1 week ago na din pala ang gc. Nagbasa basa muna ako.

Napahinto ako ng mabasa ko ang isang convo nila.

Nana: Tay! Gawa kayo ng bunso

Kim: Sige nak. Kapag nagol nanay mo. D ko siya naabutan

Nana: Ako ng bahala kay nanay, tay

Kim: Kaso nak... Baka ayaw niya

Nana: Akong bahala tay. Syempre papayag yun. Ako pa

Nana: Mahal na mahal mo talaga si nanay noh?

Kim: Oo at gagawin ko lahat para maging matatag kame

Seriously? Nagsinunangaling pa siya na meron pang kame. Sabagay ako pala nagsabi na wag muna sabihin kay Nana. So kasalanan ko? So kailangan panagutan ko 'tong family thingy na 'to.

I'm sorry Nana... Kung magsisinunangaling ako... Pero para lang maging masaya ka... Paninindigan ko ang pagiging kame ni Chen sa harap mo

It's Just RPWWhere stories live. Discover now