RPW - RUN

1.4K 46 12
                                    

"Alam niyo ang tagal niyo?! Sabihin niyo na kung ano gusto niyo---"

"Si Ken lang naman ang kuya oppa mo at yung Jeon Kookie Jung na manliligaw mo sa rp na bigla nalang nawala."

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko sa sinabi ni Kuya Matthew. Lumapit ako sa kanya at sinampal siya ng malakas.

"Bakit ba ang hilig mong siraan ang boyfriend ko?! Pwede ba tama na?! Wag kang tanga! Hindi na ako mapa---"

"Bakit hindi mo siya tanungin" nakangising sabi ni Carson. Tumingin ako sa kanya. Sa totoo lang kinakabahan ako. Sobrang lakas ng takbo ng puso ko.

Nakatingin lang siya sa akin. At may pumatak na luha sa mga mata niya.

"Girlfriend let me explain" sabi nito at hinawakan ang kamay ko.  Binawi ko ang kamay ko sa kanya ng sapilitan. Iyak lang ako ng iyak.

Sa lahat ng tao siya pa. Isa lang din pala siya mga manlolokong nakilala ko. Pare-pareho lang pala sila. Hahawakan niya pa sana ako pero sinampal ko siya.

"Trix please. Pakinggan mo muna ako" tinakpan ko ang tainga ko gamit ang mga kamay ko.

"Tama na! Ayoko ng marinig ka pa?! Tama na!" Iyak lang ako ng iyak. Tumalikod ako pero hinatak akong pabalik ni Ken kaya sinampal ko siya ulit, dahilan para mabitawan niya ako Tumakbo ako palayo sa kanila.

Bakit ang sama niyong lahat?! Wala na bang totoo sa mundo! Ewan ko pero bakit ganoon! Pinagti-tripan ba ako ng tadhana at grabeng sakit ang binibigay niya sa akin! Hindi pa ba sapat lahat ng 'yon!

Wala naman akong ginawang masama para manyare sa akin ang lahat ng ito!

I didn't expect na si Kookie at si Kuya Oppa ay iisa.. Oo nga naman bakit hindi ko napansin na iisa lang ang port nila... and worst... Kuya Oppa. I trusted him so much.. Tinrato ko siya na para bang totoo kong kuya... akala ko nareport lang siya.. kaya bigla siyang nawala... Sobra ko siyang namimiss yun pala kasama ko lang siya...

Hindi ba nakakatawa...

Kuya kuyahan ko sa rp.. boyfriend ko in real life...

Ang sakit lang... paulit-ulit akong naloloko... Ano naman ang kasunod? Malalaman ko ba na hindi naman talaga magkakapatid si Ethan, Nathan at Tristan? Malalaman ko ba na si Ethan ay si Jake tapos si Nathan si Chin tapos si Tristan si Clarence?

Bakit ba parang ang liit liit ng mundo ko at ng rpw...

Bakit ako pa? Bakit sa akin pa nanyare ang mga i---

"Trixxxxiieeeee!!!!"

Ken POV

"Si Ken lang naman ang kuya oppa mo at yung Jeon Kookie Jung na manliligaw mo sa rp na bigla nalang nawala."

Natahimik siya at tumingin kay Matthew. Sinampal niya ito. Kahit ako napatahimik. Gustong gusto kong sugurin si Matthew ngayon at paulanan siya ng suntok. Punong puno na ako sa kanya. Hindi ko na siya kilala.

"Bakit ba ang hilig mong siraan ang boyfriend ko?! Pwede ba tama na?! Wag kang tanga! Hindi na ako mapa---"

"Bakit hindi mo siya tanungin" nakangising sabi ni Carson. Tumingin siya sa akin at alam kong natatakot siya...

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan o sasabibin.. mahal ko siya at hindi ko gusto na masaktan siya. At ayoko din na magsinungaling sa kanya

"Girlfriend let me explain" sabi ko at hinawakan siya.  Binawi niya ang kamay niya. Gusto  ko na siyang yakapin. Ngunit sinampal niya ako ng malakas.

It's Just RPWWhere stories live. Discover now