RPW - WELCOME

2.1K 62 5
                                    

Medyo okay na si Kuya Matt ngayon. Hindi na siya praning. Ito nga at nakatambay kameng tatlo dito sa bahay namin. Nagmu-movie marathon kame.

Pumunta muna ako sa kusina para magluto ng popcorn. Yung popcorn na nakapapel tapos nilalagay lang sa microwave. Tatlo niluto ko. Tig-iisa kame.

After 10 minutes bumalik na din ako.  3 mins lang kase niluluto yung isang popcorn.

Pagkaupo na pagkaupo ko. Pinlay na nila yung next movie na papanoorin namin. Conjuring 3. Nakaupo talaga dapat ako sa harap ng tv kaso ng yun ang napili nila. Ayun tumakbo ako sa sofa at kumuha ng unan at niyakap iyon.

"Trix? Natatakot ka ba?" Pang-aasar ni Ken. Nag-smirk ako sa kanya.

"Ako takot? In your dreams"

Sabi ko at binato sa kanya ang hawak kong unan. Pinilit kong lakihan ang mata ko para kunwari hindi talaga ako natatakot. Kaso kada madilim at kapag merong mag isa lang sa scene, naliliitan ko mata ko at tinatakpan ito.

"Aaahhhhhh!!!" Napasigaw ako ng biglang may parang tumili. Napatingin sa akin yung dalawa at tawa lang ng tawa sa akin.

Nagtakip ako ng unan dahil nahihiya ako. Ano ba yan. Tawa sila? Eh sa nagulat ako eh. Huhu. Kaasar naman sila.

"Hindi pala takot"

Nagpout ako at inalis ang unan.

"Di ba pwedeng nabigla lang?"

Tumango tango naman sila. Pfft. Crazy.

*beep*

From: Rpw.EthanNaBakulaw

Pssst Tarsier

To: Rpw.EthanNaBakulaw

Ay buti nagparamdam ka?

From: Rpw.EthanNaBakulaw

Wala lang naiinip lang ako

To: Rpw.EthanNaBakulaw

Bakit hindi nalang yung crush mo guluhin mo?

From: Rpw.EthanNaBakulaw

Hindi siya nagrereply. Kaya ikaw nalang tinitxt ko

To: Rpw.EthanNaBakulaw

Aww so options lang ako. 😒

From: Rpw.EthanNaBakulaw

Hindi naman ganun. Pero parang haha joke😂

To: Rpw.EthanNaBakulaw

Nako ewan ko sayo. Bakulaw ka talaga.

Napatigil ako sa pagtetext at pinause ni Kuya Matt yung tv ng may bumusina sa labas. Nagkatinginan kameng tatlo.

"Si Czarina/ Czarina is home" sabay naming sabi ni kuya Matt. Kaagad naman akong tumakbo palabas at sinalubong sila Dad. Pinark ni Dad yung kotse. Pagkalabas na pagkalabas ni Dad ay niyakap ko siya.

"Where is Czarina Dad?" Tinuro niya yung passengers seat.

Pumunta ako dun at dahan dahan na binuksan yung pinto. Aww.. nakatakip siya ng towel kase pinapabreast feed siya ni mommy tita

"Is she awake?"

Tanong ko. At hinawakan ang paa niya. Awiee ang lambot at ang liit ng paa ng kapatid ko ang cute.

"No... she's still sleeping." Nakangiting sabi ni mommy tita. Dahan dahan siyang bumaba. Ako naman kinuha na ang mga gamit na dinala nila.

Umakyat ako at nilagay sa kwarto nila dad ang gamit. Duon din kase matutulog si baby Czarina [pronounce: Sha-ree-na-]. Binuksan ko na din yung aircon.

It's Just RPWWhere stories live. Discover now