Chapter 2

6.5K 150 5
                                    

PINIGILAN ni Ginger na matawa nang makita niya ang hitsura ni Yoej habang pinagkakaguluhan ito ng mga babaeng modelo sa Prim and Proper kung saan siya unang nagtrabaho bilang isang fashion photographer. Malaki ang pasasalamat niya sa P&P dahil marami siyang natutuhang techniques doon bago siya naging international fashion photographer.

Iyon ang unang araw ng pagbisita niya roon mula nang bumalik siya sa Pilipinas. Maliban kasi sa tulong na ibinigay niya kay Seff ay inayos din niya ang pagku-cruise na gagawin niya sa buong Pilipinas na magsisimula sa susunod na araw.

Isang linggo ang itatagal ng cruise na iyon at ang susunod na dalawang linggo naman ay gugugulin niya sa pagbabakasyon sa kanilang hacienda sa Cebu. Sa susunod na buwan pa siya babalik sa Maynila bago ang engagement party ni Pepper. Siguradong hindi siya masisita ni Yoej dahil sa gagawin niyang pagganti rito kaya magagawa niya ang gusto niya.

Sa P&P dinala ni Ginger si Yoej para subukan kung gaano kahaba ang pasensiya nito para suyuin siya. Gusto rin niyang subukan kung hanggang saan ang kaya nitong gawin para kay Sugar. Alam niyang pagkakaguluhan sa P&P si Yoej dahil dati itong modelo pero nang sumabak na ito sa pagtatrabaho sa Montinola Group of Companies ay umalis na ito sa industriya. Hindi man P&P ang agency na pinagtrabahuhan nito bilang modelo noon ay sikat ito sa mundo ng pagmomodelo kaya marami ang nakakakilala rito.

Isa pa, gusto rin niyang makita kung paano tatanggi si Yoej sa magaganda at sexy na babae na nakapalibot dito. Napangisi siya nang makita niyang naiilang itong makipag-usap sa mga babaeng nakapalibot dito.

"There's a hot party at Jem's place tonight. Do you want to come with us?" malambing na tanong ni Yna rito.

"I'm sorry, girls. May importante kasi akong gagawin mamaya, eh," pagtanggi ni Yoej sa mga ito.

"Nakikita ko ba talaga ang nakikita ko?" sabi ng isang pamilyar na boses.

Napangiti siya nang makita ang isa sa itinuturing niyang nanay-nanayan sa industriyang iyon—Si Madame Jacque, ang may-ari ng P&P.

"He's real," sabi niya rito. Nang nagmomodelo pa si Yoej, pinipirata ito ni Madame Jacque pero hindi ito lumipat sa P&P. "Kumusta na ang reyna?" tanong niya rito, saka ito hinalikan sa pisngi at niyakap.

"I've missed you, baby. Ayos naman ako. Reyna pa rin. Teka, ikaw ba ang nagdala dito kay Yoej? Bati na kayo? May hindi ka ba sinasabi sa 'kin?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya.

Napangisi siya rito. Isa ito sa mga taong nakakasaksi kung paano sila magbangayan ni Yoej. "Kalma ka lang, Madame. Sinusubukan ko lang siya. He's in love with Sugar. Humihingi siya ng tulong sa akin dahil gusto niya itong ligawan. Tinitingnan ko lang kung seryoso talaga siya sa kaibigan ko. Kahit kailan, hindi kami magiging okay niyan," sagot niya rito.

"Hindi pa rin pala kayo natitigil sa bangayan n'yo. That has been happening for ages already. Hindi ba kayo nagsasawa o napapagod? You're too old for that kind of game."

Pilya siyang ngumiti. "Kaya nga babaguhin ko po. Ito ang matinding ganti ko sa kanya kaya humanda siya sa akin."

"Hay, naku! Maldita ka pa rin, Ginger," umiiling na sabi ni Madame Jacque, saka ito lumapit sa nagkukumpulang babae kung saan nasa gitna ng mga iyon si Yoej. "Back to work, ladies," paghawi nito sa mga babae, saka deretsong nagbeso kay Yoej. "It's quite a surprise having you here, Yoej. Lalo na at kasama mo si Ginger. Hindi kaya may binabalak kayong away at gagawin n'yong battle ground ang P&P? Ipapaalala ko lang sa inyo na malaki ang babayaran n'yo sa 'kin kapag may na-damage dito sa agency."

"Madame Jacque, alam mo namang good boy ako. Hindi ako nang-aaway ng babae," nakangiting sabi ni Yoej. Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Magbabago na ako. Ayaw ko nang maasar sa 'kin si Ginger."

Twisted Tales Book 2: Better Than RevengeWhere stories live. Discover now