Chapter 8

5.6K 163 4
                                    

HINDI na nagulat si Ginger nang madatnan niya si Yoej sa kanilang sala. Halos araw-araw na kasi itong tumatambay sa kanilang mansion kapag wala itong ginagawa sa weekends o pagkatapos ng office hours. Kapag wala ito sa bahay nila'y siya naman ang nasa bahay ng mga ito. Mas naging malapit na sila sa isa't isa at malaya niyang naipapahayag dito ang kanyang pagmamahal dito sa kanyang mga kilos.

She won't hold back. Hindi ngayon na pakiramdam niya'y malaki ang pag-asa ng kanyang nararamdaman para dito. Hindi pa lang niya inaamin dito ang kanyang nararamdaman dahil gusto niyang ma-enjoy muna nilang dalawa ang kanilang pagkakaibigan. Isa pa'y misyon niyang paibigin muna ito bago siya umamin.

Nararamdaman na niyang parang may gusto na rin ito sa kanya. Parang pareho nilang alam sa sarili nila na mahal na nila ang isa't isa pero dahil sa pride at ego ay wala pang umaamin sa kanilang dalawa. Basta ayos na silang malapit sila sa isa't isa at maayos na silang dalawa ngayon.

"Bakit ang tagal mong umuwi?" tanong ni Yoej sa kanya. Tumayo ito at kinuha ang mga dala niya. Puro pagkain iyon dahil napadaan siya kanina sa mall.

Nanggaling siya sa Timberland dahil kumuha siya ng mg interesanteng litrato roon at may nakilala siyang mga interesanteng tao. She badly needed to practice her craft. At ang mga taong nakilala niya ang napagdiskitahan ng camera niya. Pinag-pose niya ang mga taong nakilala niya kanina—bata hanggang matanda—na parang isang model. Wala siyang magawa kanina at naisipan niyang kumuha ng larawan.

"I've enjoyed taking pictures. Bakit ba?" aniya rito. Dumiretso silang dalawa sa kusina kung nasaan ang mga kasambahay nila.

"Taking pictures? Ano ka ba naman, Ginger? Nagpunta ka rito sa Pilipinas para magbakasyon d'yan sa trabaho mo pero picture ka pa rin ng picture. At saka, ang dami mo namang pagkaing dala," puna nito.

Napapakunot-noong tingin siya rito. "Eh, bakit ba? Ano'ng pakialam mo? Sa gusto kong kumuha ng pictures eh. At saka, wala kang pakialam kung gusto kong kumain ng madami!" sikmat niya rito.

"Joke lang. 'To naman. Gusto ko ngang pakainin ka ng pakainin kaya iimbitahan sana kitang mag-dinner ngayon. Pero mas mabuti pang magluto na lang tayo dito at dito na lang tayo kumain sa inyo," anito.

"Ayaw kitang makasabay kumain ngayon. Baka hindi ako makakain," aniya rito.

"Bakit naman?"

"Dahil baka ikaw ang makain ko," biro niya rito sabay tawa ng malakas.

Nanlaki ang mga mata ni Yoej habang nakatingin sa kanya. "Aha! Sinasabi ko na nga ba pinagnanasaan mo rin ako eh," anito.

"'Rin'? Ibig sabihin, pinagnanasaan mo 'ko?" nanunudyong tanong niya rito. Napapangiti siya habang nakatingin dito.

Tumawa ito. "Slight lang naman," pabirong saad nito peo nakaramdam pa rin siya ng kilig. Nitong mga nakaraang araw ay palagi na lang siyang kinikilig dahil kay Yoej. Ito iyong taong maisip lang niya'y napapangiti na siya. "Patingin ng mga kinuha mong pictures," anito sa kanya saka tinanggal sa leeg niya ang camera na nakasabit doon. Umupo ito sa bar counter sa kanilang pantry at tinabihan naman niya ito.

"Ang saya lang nilang kunan. The kids are great! Lalo na sina kuya na kenkoy na kenkoy," natutuwang pagkukwento niya kay Yoej habang tinitingnan nito ang mga kuha niyang litrato.

"Kung gusto mo rin lang palang kumuha ng pictures, ako na lang sana ang napagdiskitahan mo. Mas may experience naman ako kaysa sa kanila," ani Yoej.

Pabirong tinampal niya ito sa noo. "'Yabang mo ha! I didn't take those pictures for magazine covers, Yoej. I took those pictures for my own personal satisfaction. Kahit na hindi sila propesyunal na model, sumaya ako sa experience ng pagkuha ng pictures sa kanila," paliwanag niya rito.

Twisted Tales Book 2: Better Than RevengeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu