Chapter 9

5.9K 183 2
                                    

NATAWA si Ginger nang makita niya ang reaksyon ng kaibigang si Lemon matapos niyang ihayag na sila na ni Yoej samantalang kilig na kilig naman si Sugar sa kanyang tabi. Girls' day out nila iyon ngunit hindi na naman sila kompleto dahil si Pepper naman ang wala. Hindi pa rin nila alam kung nasaan ito at si Calyx na kapatid ni Lemon at ex niya. Basta ang sabi ni Pepper ng tumawag ito sa kanila'y ligtas ito. Napanatag naman sila dahil kasama nito si Calyx.

"Seriously? You're not going Tom and Jerry again?" hindi makapaniwalang tanong ni Lemon sa kanya.

"Nope. Not ever," nakangiting sagot niya rito.

"Maybe they're gonna go like Sarah and Gerald na," nanunudyong saad ni Sugar.

"You mean, hindi siya nagalit sa'yo dahil sa ginawa nating panloloko sa kanya?" tanong pa rin ni Lemon.

Umiling siya. "Hindi. Tinanggap niya eh. Sabi niya, panahon na daw para maging mas matured kaming ituring ang isa't isa. Akala ko nga no'ng una, gumaganti lang siya sa'kin at ang pagiging mabait sa'kin ang paraan ng pagganti niya. Para bang aasarin niya ako sa pagiging mabait niya. Pero hindi eh. I saw how sincere the friendship he's offering and I accepted it. Tingnan mo, kami na ngayon at masaya ako," paliwanag niya rito.

"Wait. I've missed something. Bakit naman siya gaganti sa'yo? Ano na namang nagawa mong masama sa kanya?" tanong ni Sugar.

Napakagat-labi siya at nagpapaumanhing tumingin dito. "Kasi, mali lahat ng tips na binigay namin sa kanya nina Lemon at Pepper para sa dates n'yo. Naisip ko na malaking ganti sa kanya 'pag napahiya siya sa'yo. Kaya, hayun. Niloko namin siya," aniya rito.

"Oh my god! Kaya pala horror ang napili niyang ipa-reserve no'ng manonood kami ng sine. Hindi naman namin napanood kasi ayaw ko. He had to get in line to buy tickets for a romantic comedy movie then. Kayo pala ang may kagagawan! Pati 'yong sa Star City at 'yong hipon!" hindi makapaniwalang bulalas ni Sugar.

"Hipon? Sino nagsabi no'n?" tanong niya sabay sulyap kay Lemon.

Itinaas nito ang dalawang kamay. "Not me. 'Yong sa Star City ang sinabi ko," anito.

"Pepper," panabay pa nilang sabing tatlo.

"Sorry, Sugar. Nagka-allergy ka tiyak. I'm really sorry," hinging-paumanhin niya rito. May allergy kasi si Sugar sa hipon kaya hindi nila ito pinapakain niyon.

"Okay lang. Tapos na 'yon at pareho na tayong masaya ngayon. I'm really happy for you, Ginger," nakangiting sabi sa kanya ni Sugar. Kinikilig na niyakap niya ito.

"Hey, Sugary! Nasaan 'yong isang singsing mo?" tanong dito ni Lemon. Napatingin siya sa kamay ni Sugar at nakitang iisang singsing na lang nga ang naroon.

Silang apat ay may pare-parehong two-in-one ring na ipinagawa pa ni Pepper sa isang jeweler sa China na nagsilbing friendship rings nila. Nangako sila sa isa't isa—na parang naging vow na rin nila—na ibibigay nila ang isang singsing sa lalaking mamahalin nila habang buhay. Ang lalaking pipiliin nilang makasama ng matagal pa sa forever.

"Binigay ko na kay Seff," ani Sugar.

Oh my god! Dapat ko na rin palang ibigay kay Yoej ang isang singsing ko, aniya sa sarili.

"Ikaw, Lemon? Bakit hindi mo pa binibigay kay Joey ang isang singsing mo?" nanunudyong tanong ni Sugar kay Lemon. Natawa sila pareho nang sumimangot si Lemon at irapan nito si Sugar.

"FYI lang ha? Hindi ko ibibigay sa kanya ang singsing ko 'no. Magpakasal siya mag-isa n'ya!" naiinis na wika ni Lemon. Tawa sila ng tawa ni Sugar. Si Pepper ang dating inuudyukan nilang magbigay ng singsing kay Joey pero iba na ngayon. Si Lemon na ang dapat magbigay ng singsing kay Joey dahil hindi natuloy ang engagement nito at ni Pepper.

Twisted Tales Book 2: Better Than RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon