Epilogue

8.3K 266 38
                                    

EXCITED na binuksan ni Ginger ang package niya galing kay Vivienne. Nahuhulaan na niya kung ano ang laman niyon. Nangako kasi si Vivienne sa kanya na ipapadala nito ang latest issue ng magazine na dati niyang pinagtatrabahuhan kung saan nai-feature ang mga huling kuha niya para doon.

"Easy, babe. Nasa kitchen lang ako sakaling kiligin ka sa tuwa d'yan, okay? Iwe-welcome ko ang kiss mo," sabi ni Yoej. Nagtataka siyang napatingin dito. Bakit siya kikiligin sa tuwa?

"Thanks, babe," masuyong sabi niya rito. Ito ang nagdala sa bahay nila ng package. Nang nginitian niya ito'y pumunta na ito sa kitchen nila kung saan nito tutulungang magluto ang mommy niya at ang mommy nito.

She browsed at the magazine and saw the pictures she took. Mami-miss niya ang Paris pero nangako siya kay Vivienne na kung kinakailangan nito ng serbisyo niya ay babalik siya roon. Sa ngayo'y naka-kontrata siya sa Prim and Proper at magba-base na siya sa Pilipinas. Hindi kasi pumayag si Yoej na doon pa rin siya sa Paris magtrabaho. Kaya naman isinabay na siya nito pauwi sa Pilipinas noon. Nalaman din niyang hindi naman pala totoong kontrata ang pinapirmahan sa kanya ni Vivienne noon kaya legal na makakapagtrabaho siya sa Pilipinas ngayon.

Mauubos na ang pahina ng magazine pero hindi pa rin siya nakakaramdam ng kilig na katulad ng ibinibigay sa kanya ni Yoej. Masaya lang siyang makita ang mga kuha niyang litrato sa magazine na iyon.

Pero sa huling pahina ng magazine ay nagulat siya ng makita ang picture ni Yoej na kuha niya noong napag-trip-an nilang dalawa na mag-photoshoot sa kanilang garden. Napaawang ang kanyang mga labi ng makita ang edited print na nakalagay sa katawan nito.

Will you marry me, Ginger?

Napaluha siya dahil sa saya. Agad siyang tumalon mula sa kanyang kinauupuan dala ang magazine at patakbong tinungo ang kanilang kusina kung saan nagluluto ang mga mahal niya sa buhay. Ipinatong niya sa pantry ang magazine at saka niya niyakap si Yoej. Nang makuha niya ang atensyon nito'y agad niyang hinawakan ang mukha nito at hinalikan ito nang hindi na iniisip ang sasabihin ng mga taong makakakita sa kanila.

She was so happy she wanted everyone to know about the big news.

"So?" tanong ni Yoej sa kanya pagkatapos ng halik na iginawad niya rito.

"Yes, yes, yes!" excited na sabi niya rito.

"Oh, god. Thank you, thank you, thank you!" tuwang-tuwang sabi ni Yoej at ito na mismo ang muling humalik sa kanya.

"Did we miss something?" nagtatakang tanong ng mommy niya. Natawa sila pareho ni Yoej dahil sa hitsura ng mga itong parang out of place sa kanila.

"Mom and mom," sabi ni Yoej sa dalawang ina nila. "We're getting married," hayag nito. Kinikilig talaga siya dahil sa tuwa, sa saya, sa pagmamahal, sa lahat-lahat na.

"Oh, thank God! Tuloy ang kasal," sabay na bulalas ng dalawang babae.

Nagkatinginan sila ni Yoej at sabay na tumawa. She was trying to reach his mouth but he bent down in front of her. Napasinghap siya sa ginawa nito. Hindi na nito kailangan pang lumuhod para mag-propose sa kanya dahil sinabi na niyang gusto niya itong pakasalan.

"Just to make it formal," anito habang may hinuhugot na kung ano mula sa bulsa nito. A ring! A diamond ring! "Here. Take this ring as a sign of my promise to marry you, as a sign of my love and as a sign that you're now truly mine. Only mine. I love you, babe," masuyong sabi sa kanya ni Yoej habang isinusuot nito sa kanya ang singsing.

Engaged na talaga kami! hiyaw ng puso't isipan niya.

Tangkang hahalikan na siyang muli ni Yoej pero umiwas siya rito. Napangisi siya nang makita ang pagtutol sa mga mata nito ngunit hindi niya ito pinagbigyan. Katulad ng pangako niya sa kanyang sarili at ang kasamang kasunduan nilang magkaibiga'y hinubad niya ang pares ng friendship ring niya at inabot niya ang kanang kamay nito.

"This ring was part of our friendship ring. Ipinagawa pa ito ni Pepper sa jeweler nila sa China at magkakapareho kaming apat ng singsing. Pepper, Lemon, Sugar and I promised ourselves that we would give the other part of this to the man we chose to marry. I'm choosing to love you forever, Yoej," sabi niya kay Yoej ng may lambing sa tinig habang dahan-dahan niyang isinusuot dito ang friendship ring niya na ngayo'y isang engagement ring na.

Love is really better than anything else. Love is better than revenge.



---WAKAS---

---

Please vote, share and comment your thoughts down below. Thank you for reading!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Twisted Tales Book 2: Better Than RevengeWhere stories live. Discover now