Chapter 5

5.6K 168 1
                                    

SARAP na sarap si Ginger habang nilalantakan ang mga manggang binalatan ng mga tauhan sa kanilang hacienda para sa kanila ni Yoej. Kasalukuyan siyang nakaupo sa ilalim ng malaking puno ng mangga katabi si Yoej na sarap na sarap din sa mga mangga. Matapos niya itong ilibot sa buong hacienda nang unang araw nito doon ay ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataong manatili sa kanilang mango orchard. Nitong mga nakalipas na araw kasi'y naging puno ang schedule niya dahil sa mga imbitasyon ng kanyang mga kaibigan doon sa Cebu at isinasama niya paalis si Yoej.

Dahil nakikita niyang mukhang sinsero naman si Yoej sa pakikipagbati sa kanya'y gumaan ang loob niya rito. Must be because of his charming smile, kastigo ng isang bahagi ng isipan niya sa kanya.

Sa buong maghapon nilang magkasama'y hindi lumalampas ang isang minuto na hindi ito ngumingiti sa kanya. Why his smile is one lethal weapon. Hindi basta binabale-wala ng sistema niya ang mga ngiti nito. Dapat na siyang mainis sa sarili niya pero hindi niya mapigilan ang ma-amuse dito maging sa sarili niya.

Masarap naman palang kasama si Yoej. Ang ipinagbago lang nila'y magkaibigan na sila ngayon. Nag-aasaran pa rin silang dalawa pero pareho na silang bukas sa pakikipag-ayos sa isa't isa hindi katulad noon na kinikimkim pa niya ang ginawa nitong pang-aasar sa kanya kaya nag-iisip siya ng mga paraan para makaganti dito. Pareho na lang silang natatawa ngayon kapag naaalala nila ang nagawa nila noon para mang-asar at makaganti sa isa't isa.

"Dahan-dahan naman sa pagkain, Luya," sabi sa kanya ni Yoej.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "What? Dahil tataba na naman ako? Kung naiinggit ka sa'kin, kumain ka rin ng marami," paingos na sabi niya rito.

Tinawanan siya nito. "I've missed your baby fats. Ang cute-cute mo kaya no'n. Nakakatuwa kang tingnan. Parang ang sarap mong yakapin at pisilin ang pisngi noon," anito.

"'Kapal ng mukha mo! Sinabihan mo nga ako na ang taba-taba ko no'n eh. Inaasar mo pa ako na isang malaking luya noon. If I know, bumabawi ka lang sa'kin," sabi niya rito saka ito inirapan.

"Gusto lang kitang asarin noon dahil ang cute mo 'pag naaasar ka. Mas cute ka nga noon dahil malaman ka, hindi katulad ngayon na ang payat-payat mo. Parang madadala ka kapag umihip ang malakas na hangin. Kaya kumain ka pa ng marami pero dahan-dahan lang," sabi nito. Napatanga siya rito. Totoo ba ang sinasabi nito o binobola lang siya nito?

Naging obsessed siya sa pagpapayat noon dahil ayaw niyang may maipintas ito sa kanya. Tabain kasi ang lahi ng mommy niya kaya natatakot siyang tumaba. Nag-diet siya ng nag-diet hanggang sa maging pang-modelo ang katawan niya. Hindi naman talaga siya payat, slim lang siya. OA lang mag-describe si Yoej.

Binalatan pa siya nito ng isang mangga at isinubo iyon sa kanya. Kinagat naman niya iyon na tila nahipnotismo siya sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya.

"Hindi ako payat 'no. Slim ako," sabi niya rito.

"Kahit na. Mas maganda pa rin kung may mas laman ang katawan mo katulad noon," anito.

"Para maasar mo na naman ako?"

"Hindi. Friends na tayo 'di ba?" nakangiting tanong nito sa kanya.

Peste! 'Wag kang ngumiti sa'kin ng ganyan. Nagiging delikado ang lagay ng puso niya tuwing nginingitian siya nito dahil baka magkaroon siya ng hypertension sa mabilis na pagtibok ng puso niya.

Kung may camera siyang hawak ng mga oras na iyon ay maraming shots sigurado ang makukuha niya rito. Hindi niya palalampasin ang pagkakataong iyon dahil nag-alay ito ng isang totoong ngiti sa kanya. Isang ngiting hindi mapang-asar.

"Mas cute ka kasi 'pag chubby ka," dugtong pa nito saka hinawakan ang baba niya at pinisil iyon sabay ng pagtitig nito sa mga mata niya.

"Are you flirting with me, Yoej?" hindi napigilang tanong niya rito.

Twisted Tales Book 2: Better Than Revengeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें