Chapter 6

5.5K 154 0
                                    

"ANO'NG ginagawa natin dito?" tanong ni Ginger kay Yoej. Sinundo siya nito kanina sa kanilang bahay. Natatandaan pa niya kung ano ang naging reaksyon ng mga taong nakakita sa kanila ni Yoej kanina.

"Yoej! Ano'ng gagawin mo kay Ginger?" nag-aalalang tanong ng mommy niya kay Yoej nang basta na lang hawakan ng huli ang kanyang kamay habang kumakain sila ng merienda sa kanilang garden at hilahin siya nito paalis doon.

"Yoej!" saway naman dito ng mommy nitong si Tita Jackie niya. Magkapitbahay lang sila at madalas na nasa bahay nila ang Tita Jackie niya o hindi naman kaya'y ang mommy niya ang nasa bahay ng mga Montinola.

"Chillax! Wala akong gagawin sa kanyang masama. May pupuntahan lang kami," kaswal na sabi ni Yoej sa mga ito.

"Saan naman?" tanong niya rito.

"Basta. Sumama ka na lang sa'kin," anito sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya saka sumama rito palabas ng kanilang bahay. Nakasunod naman sa kanilang dalawa ang mga nanay nila.

"Am I seeing what I'm really seeing, mare?" eksaheradang tanong ng mommy niya sa Tita Jackie niya.

"It seems like, mare," sagot naman ng Tita Jackie niya. "Bati na kayong dalawa?" tanong nito sa kanila ni Yoej.

"Yes, mom. Isn't it great?" ani Yoej dito.

"Is this for real? Hindi n'yo ba kami niloloko lang?" hindi makapaniwalang tanong ng mommy niya.

"Mom, in good terms na talaga kami ngayon," sagot niya rito.

"Hindi na kayo nag-aaway? Ever?" tanong ng Tita Jackie niya.

"Nope," sabay nilang sagot ni Yoej at sabay rin silang natawa ng parehong magtinginan ang kanilang mga ina.

"At least, not yet. Sakaling awayin ulit ako nitong si Yoej, hindi ko siya uurungan 'no," aniya.

"We're friends na kaya iiwasan na nating mag-away, 'di ba?" sabi sa kanya ni Yoej saka siya inakbayan. Nag-appear-an pa ang dalawang babae dahil sa nakitang closeness nila ni Yoej.

"So, posibleng magkagustuhan kayong dalawa?" anang mommy niya.

"O, baka naman nagkakagustuhan na, mare. Nagkakahiyaan lang 'yang dalawa. Pero mabuti na rin 'yong magkaibigan muna sila. Hindi na mahirap ang magkagustuhan mamaya," anang Tita Jackie niya. Dahil sa sinabi nitong iyon ay inalis niya ang braso ni Yoej na nakaalampay sa balikat niya.

"We're better off as friends," sabi niya sa mga ito saka niyaya si Yoej na lumakad na sila.

Malaki ang nagawa nang pagiging malapit nila ni Yoej sa isa't isa mula pa noong nasa Cebu sila kaya naging maayos din ang pakikitungo nila sa isa't isa hanggang sa magbalik sila sa Maynila. Anumang pag-aalinlangan sa pakikipagkaibigan nito sa kanya noon ay unti-unting nawala dahil sa ipinapakita nitong sinseridad sa kanya.

"Gusto kong ibili ka ng damit para sa engagement party nina Joey at Pepper," simpleng sagot ni Yoej saka hinila siya papasok sa loob ng Eventique—a one stop boutique of clothes for all occasions.

"May damit na po akong isusuot para do'n," aniya rito.

"I don't like the dresses you wear. They're too much revealing. 'Buti at 'di ka nagkakapulmonya sa pagsusuot ng gano'ng damit," anito.

Pati ba naman pagdadamit ko pansin niya? "Ang galing mo talaga, Yoyo! Lahat na lang sa'kin napapansin mo," sarkastikong saad niya rito. Para na rin itong si Joey. Mula sa pagkain niya hanggang sa pananamit niya ay may sinasabi ito at may napupuna. "'Yon ang uso ngayon. Of course, I'll follow the trend. Hello? Fashion photographer ako," paalala niya rito.

Twisted Tales Book 2: Better Than RevengeWhere stories live. Discover now