Chapter 7

5.6K 155 2
                                    

"I DON'T want my engagement party to be like this," sabi kay Ginger nang katabi niyang si Yoej.

Nakaupo silang dalawa sa bench sa garden ng mansion ng mga ito. Gabi iyon ng engagement party nina Joey at Pepper ngunit alas-siete na'y hindi pa rin nagsisimula ang programa. Hindi niya alam kung bakit nade-delay dahil pareho namang naroon sina Joey at Pepper at maayos naman ang lahat sa paligid dahil sinigurado ni Lemon na magiging perpekto ang lahat para sa engagement party ng kaibigan nila. Ang catering services kasi ng restaurant nina Lemon ang kinuha nina Pepper para mag-ayos sa mansion ng mga Montinola para sa okasyong iyon.

Kanina'y sinundo pa siya ni Yoej sa kanilang bahay kahit na magkapitbahay lang silang dalawa at kayang-kaya naman niyang pumunta sa mansion ng mga ito ng mag-isa. Ipinipilit pa rin kasi nito ang sarili sa kanya bilang date niya. Hindi na siya nakatanggi dito dahil sa pagiging makulit nito.

She laughed at Yoej. "You? Yoej Rafaelle Montinola? Talking about your engagement party? Now, that was a quite a laugh," sabi niya rito.

"Bakit? Hindi mo ba naisip na hindi ako magpapakasal?"

"Bakit? May balak ka ba talagang magpakasal?" tanong niya rin dito.

"Oo naman. Ano'ng akala mo sa'kin? Siyempre, gusto ko ring magkaroon ng sarili kong pamilya. I'm not getting any younger. Nagsasawa na rin ako sa buhay kong ganito. I'm actually thinking about getting married too katulad ni Joey. But I don't want it to be like this. Magpapakasal lang sila ni Pepper dahil sa negosyo. I want mine to be because of love," paliwanag nito na ikinaawang ng kanyang bibig.

"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.

"Naiinsulto na ako sa'yo, Ginger, ha. Hindi mo pa kasi ako lubusang kilala kaya hindi mo talaga maiisip na pwede rin akong magpakasal," anito sa kanya.

"Sorry. You, getting married and being with only just one woman didn't cross my mind," prangkang sabi niya rito.

"Ngayon alam mo na. I want to be married and have my own kids. I want to find my better half and live with her for the rest of my life, loving her," seryosong sabi nito sa kanya.

Napamata siya rito. Hindi siya makapaniwalang maririnig niya ang mga linyang iyon mula kay Yoej gayong tuwing nakikita niya ito dati sa mga party ay kung sinu-sinong babae ang kasama nito. May pagkakataon pa ngang palaging ibang babae ang kasama nito sa ilang party na pareho nilang dinaluhan. Hindi lingid sa kaalaman niyang marami ang mga babaeng nagkakagusto rito dahil talaga namang gwapo ito. At alam niyang gustong-gusto ni Yoej ang atensyong ibinibigay ng mga babaeng iyon dito.

Hindi na nito kailangan pang manligaw ng babae o manuyo man lang para magkaroon ng nobya o date man lang dahil ang mga babae na mismo ang kusang lumalapit dito. Lalaki lang si Yoej kaya hindi nito matatanggihan ang mga babaeng iyon.

Hearing those words from Yoej made her wish somehow that she could be that girl. That girl whom he would love and live with for the rest of his life. She wouldn't mind having Yoej as her husband.

What? Kung maririnig mo lang ang sarili mo, siguradong hindi ka maniniwala sa mga naiisip mo, Ginger, kastigo ng isang bahagi ng isipan niya sa kanyang sarili.

Ginger, are you falling in love with Yoej? That fast? tanong niya sa sarili.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot doon. Tiningnan niya si Yoej na nakatingala sa langit. Maging siya ay napatingala na rin doon. Iilang mga bituin lang ang nakakalat sa langit at may isang bituing mas nagniningning sa lahat. It made her wish from it.

"Gusto mo bang mag-wish?" tanong sa kanya ni Yoej habang pareho silang nakatingala sa langit.

"Wala namang falling star eh," sabi niya.

Twisted Tales Book 2: Better Than RevengeWhere stories live. Discover now