CHAPTER FIVE

887 23 1
                                    

Terrence's POV

Bakit ako nanghihinayang? Bakit gusto kong sabihin nya na ako talaga yung binalikan nya....

Ako yung dahilan kung bakit sya nandito..

Tsaka ano bang balak nya?! Bakit kailangan na nandito sya?! Bakit kailangan nyang lumapit...tangna!

Tumingin lang sya sa akin sa huli kong tininanong sa kanya pero kalaunan ay ngumiti din

"Bakit nga naman ako magagalit Terrence? Wala na mang dapat ikagalit ko?" Terrence bakit hindi na Rence? Argghhh may mali sa ipinapakita nya lalo na sa paraan ng pagngiti nya hindi ako sanay parang may kakaiba..

Alam kong galit sya.... Nuong lumaban kami hindi ka makalimutan ang sinabi nya na lalong nagpagulo sa isipan ko ngayon..

"May Problema ba tayo?!"

"Mahal mo si Tracey yun ang problema natin"

Nakakagulo sya ng utak...

Sobrang nakakagulo... Tang**a

"Terrence?"- ako Nakita ko ang pagkagulat at bahagyang pagkamangha sa ekspresyon nya at tunawa pa sya

"Ano gusto mong itawag ko sa iyo? Pwede ba hindi naman tayo ganong close..." Hindi gaanong close!! Napasingkit ko ang mata ko sa sinabi nya ... Ang gulo gulo nya as in sobrang gulo!!

"Galit ka"

"Tigilan mo ko Terrence Cadwell hindi ikaw ako para malaman mo ang nararamdaman ko... At hindi ako ikaw para bigyang pansin ang walang kwentang sinasabi mo" umalis na sila at naiwan naman akong nakatulala.. what the f*ck happen kanina lang mabait tapos maya maya naging mataray?! Babae talaga... Nakakafrustrate

"Pre ayusin mo yang itsura mo.. isang araw pa lang kayong nagkikita para ka ng gurang aba! Baka pag tumagal pa yan ako pa ang sumagot ng kabaong mo.. pre ubos na allowance ko" Wala akong sinabi at kinuha ang cellphone ko sabay tingin sa sarili ko.... Ayos naman ang itsura ko gwapo pa rin naman...

Wala naman nagbago

"Pwede ba pre kung hindi mo aayusin yan baka mas lalo ka lang layuin non tingnan mo itsura mo mukha kang tatay ng nanghihingi ng barya sa kanto.."

"Xyrus ilang tao pa ang ikukumpara mo sa akin? Nagaadik na malapit ng matokhang? Gurang? Tapos ngayon tatay ng nanghihingi ng barya sa kanto?"

Ngumisi lang sya at tinanguan ako...

Bwiset naman ito!! Tumayo ako inayos nag sarili ko...

"Pre saan ka pupunta?"

"May kukuhanin ako"

Tumigil sya sandali at nag okay sign pa...

Hindi na ako papayag na umalis lang sya ulit ng walang paalam... Ginawa na nya iyo dati...


At sisiguraduhin kong hindi na nya gagawin yon..

********************
Brielle's POV

*Phone rings*

"Hello?"

"Baby Brick!!" Napabuntong hinibga ako dapat pala hindi ko na sinagot pa ang tawag na ito

"Bakit?"

"Itatanong ko lang sana nasan na ang kuya mo? Aba yung lalakeng iyon! Hindi na umuwi!" Napatigil ako at hindi sinagot ang tanong nito... Wala nga pala akong pinagsabihan nito wala ring sino man ang nagtangkang maglabas ng nangyari four years ago...

Worst Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now