CHAPTER TWENTY NINE

346 9 0
                                    

Brielle's POV

"Wag nyong sasaktan ang mommy ko!" Napatawa naman yung babae at tinabig ako

"Ang tanga mong bata ka! Pag napatay ko ang nanay mo! Isasama na kita!" Napa aray ako ng hatakin nya ang buhok ko

"Tama na po! Tama na"

"Tigilan mo ang anak ko!"

"Buti dumating ka! Pagsasabayin ko na kayo ng anak mo! Boys! Paputukan ang mag ina!" Teka nilingon ko si mommy pero ngumiti lang ito hindi ko makita ang mukha nya pero nakikita ko ang ngiti nya

Pati ang ibang tao ganon din walang mukha





"Beshy?"








Tama na ayoko na








"Uy beshy!"




Arghhhh napatingin ako kay Eyz na ngayon ay nakangiti sa akin

"Teka ayos ka lang ba para atang napapadalas ang pagsakit ng ulo mo... Magpacheck up ka kaya" napailing ako hindi pwede

"Hindi na nagpa check up na ako stress lang daw" napameywang na naman sya at napairap pa

"Don't me wag ako Brielle ha!" Kung hindi naman sya maniniwala ay dapat siguro na hindi ko na sagutin

Dahil kukulit kulitin lang ako nito hanggang mapasabi na lang ako

"Ano ang plano mo?" Plano? Sa tingin ko ay gagawin ko na yung revenge ko kay Tracey...

Buo pa rin ang desisyon ko maghihiganti ako sa taong nanakit sa akin

Pinahiya nya ako sa harap ng lahat noon ano kaya nag feeling na sya naman ang pinapahiya ngayon?

Paano si Terrence?

Natigilan ako dahil sa tanong ko sa sarili ko paano sya?

"Ang lalim nyan ha?" Napairap na lang ako habang pinipigilan kong ngumiti mapagkamalan pa akong baliw wag na lang

"Malalim nga gusto mong hugutin?" Tumawa lang ito at nginitian ako nilagay pa nya ang kamay nya sa magkabila kong balikat

"Ang pagiging masungit nakakapangit... Panget ka na nga papangit ka pa" aba't !

Lumingon ako sa kanya pero nanlaki na lang ang mata ko ng magkalapat ang labi namin napahiwalay ako ka aagad pero nakangiti lang sya sa akin






Bigla nag bell at kaya nagpaalam sya sa akin



"Kita na lang tayo mamaya!" Napatango ako at hindi pa rin nakapagsalita ano yung nangyari?

"Teh? Grabehan tayo noh?! Nasaan ako ng mga panahong naglalandian kayo?! Nasa harap nyo lang naman! Take note sa harap nyo!" Wala na akong sinabi at naglakad na lang napakibitter ng babaeng ito

Parang ikaw dati?

Bakit may konsensya ata ako ngayon! Nakaka imbyerna! Kailan ako naging bitter? Positive ako lagi hano!

"Hoy babae! Beshy! Bumalik ka dito!" Tumawa na lang ako pero nawala ang ngiti ko ng makasalubong ako ng paa...

Mukhang paa

"What a pleasant surprise!" Si Tracey yan ang aga aga ... Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa naka all red si Ate pumuputok pa ang labi sa sobrang kapal ng lipstick bagay na bagay talaga sila ni kuko

Worst Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now