CHAPTER SIX

838 25 0
                                    

Brielle's POV

Napayuko na lang ako dahil kita ko ang pagtitig ng mga pasahero sa akin at mas nakakahiya pa ay pasipol sipol pa ang isa na ito...

"Magjowa ba sila?"

"Ay ewan ko ate"

"Mga kabataan nga naman"

Ano ba gusto nila mangyari hano?! Umupo ako sa lapag?! Magtihaya ako at humiga mala fashion model sa sahig ng jeep? Ngayon pa lang nagsisisi na ako kung bakit ginawa ko yung ayain syang magcommute gayong sya naman pa ata ang mas sanay na magcomute kesa sa akin...

Tanga tanga mo talaga Brielle!!

Bigla naman may bumabang babae sa may tapat namin kaya tumayo na ako mula sa pagkakandong sa lalaki na iyon at umupo na ....

"Bakit ka umalis?" Tiningnan ko naman sya ng masama habang sya ay inosenteng nakatingin sa akin...

"Hihihi ang pogi ni Kuya"

Pogi ba yan? Tss

"Oo nga tingnan mo ang angas ng porma"

Ako! Ako ang maangas ang porma

"Papicture tayo"

Papicture?! Sa narinig ko ay parang naginit ang ulo ko..

"Tanga ka ba bes picture sa jeep? Magisip ka nga!"

Tama magisip ka! Anong picture para ka lang tanga!!

"Okay lang yan!! Yan bumaba ba na si Kuya isa isa tayo!!"

Hoy !! Napalingon ako sa tatlong babaeng naguusap at nakita ko na kinalabit nung isang girl yung kasamang nyang gustong gustong magpapicture .....

"Teka may gf ata eh"

Taas kilay akong tumingin sa kanila pero tumingin lang sa akin yung gustong magpapicture

"Wala hindi yan kapatid yun ni Kuya" ha?! Mukha ba kaming magkapatid?!

Tsaka teka lang ano ba tong inaarte ko?!

Lumapit na yung babaeng gustong gustong magpapicture na gusto kong ilawit yung ulo sa bintana ng jeep para pag may dumaan eh mahagip...

Kinalabit naman nya yung lalaking yon at yung isa ay may pangingiti pa nung nilingon yung babae na naging pabebe at may pahawi hawi pa ng buhok sa gilid ng tenga...

Sasakalin ko yang babaeng yan... Nakakagigil

"Eh Keye pwedeng pepeture?"  Nye nye nye Tse!! Nakakunot na ang noo ko habang nakatingin sa dalawa nakita ko naman na ngumiti pa yung isa

"Ano ba pangalan mo?"

"Lea po" Lea Lea.. utot mo

"Ahhhh" lumingon si Terrence sa akin at bigla na lang nagbago ang ekspresyon ko st nginitian sya

"Sige gawin mo tingnan natin"

(Teka nga bakit ba nagkakaganyan ka?!)- konsensya

Potek di ko din alam

"Sige" muntik ko ng maibalibag dun sa babae yung bag ko ng bigla ito ng impit na tumili...

"MANONG!! BABAA ANG SINGLE PARA PO!!" Sigaw ko sa malakas na boses kaya agad itinigil ni manong yung sasakyan ...nakita ko ang pagtingin ng lahat ng pasahero sa loob pero inirapan ko lang ang mga ito at dali daling bumababa

Pagkababa ko ay nakita ko na nakababa na rin pala sya.. Nakakunot na ang noo nito pero nakangiti naaago ata

"Bakit bumaba ka agad?"

Worst Nightmare (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن